Chapter 58

198 7 0
                                    

Dedicated to her.. thank you po sa pag follow  at sa pagsupport :))

---

Chapter 58

3RD PERSON'S POV

Tahimik na nakaupo sa sahig si Yssah sa pinakadulong parte ng library. Ayaw niyang maistorbo dahil finals na nila sa dalawang magkasunod na subject. At sa susunod na ikalawang linggo ay enrollment na nila.

Inunat niya ang mga binti mula sa pagkaka-indian sit niya. Nangangalay na siya at nakakaramdam ng pangunguryente sa paa dahil hindi nakakadaloy ng maayos ang kaniyang dugo sa buong katawan.

Ilang oras na ba siyang nag re-review? Tatlo. Tatlong oras na siyang nag re-review. Bakante kasi siya sa dalawang subjects na nauna dahil tapos na siyang mag finals doon at hindi na sila muna pinapasok. Tumingin siya sa kanan niya at nakita niya ang dalawang makakapal na libro na tapos niya ng reviewhin. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga.

Ano bang nangyayari sa akin?  Tanong niya sa sarili. Naguguluhan siya sa sarili niya. Dati naman ang hilig niyang mag-aral. Naalala pa nga niya noon na siya ang GOOD sa kanilang magkakaibigan, Lauren and Jessa. Tapos noong nasa Tabi Island sila madalas siyang naglilinis sa library dahil natutuwa siya sa dami ng librong nandoon.

"Bulaga!"

"Aahhh!" napasigaw si Yssah ng sobrang lakas kaya napatingin sa kaniya ang mga estudyanteng tahimik na nagbabasa sa loob ng library. Kahit ang inaantok na librarian ay nagising at sinaway siya.

Pinagtawanan lang siya ni Gino dahil sa epic na reaction ng dalaga sa pang gugulat niya. Hinampas hampas naman siya ni Yssah ng librong hawak niya. Masyado siyang napapaisip kaya hindi niya namalayan si Gino na nasa tabi niya na pala.

"A-aray. Aray masakit sabi."

"Nakakainis ka kasi.. Napagalitan pa tuloy ako" nakapout na sabi ni Yssah. Napangiti si Gino sa inakto ng dalaga kaya di niya napigilan ang kurutin ang pisngi ni Yssah. Natahimik si Yssah, kahit ang pagrereklamo ng MASAKIT di niya nagawa.

Si Patrick.. Si Patrick ang naalala niya sa ginawang iyon ni Gino. 

"Ayan tulala ka nanaman."

"A-ahh ano.." inalis ang kamay ni Gino na nakakurot pa din sa pisngi niya at binigyan ang binata ng isang ngiti.

"Wag." biglang sabi ni Gino na ipinagtaka ni Yssah.

"Wag?"

"Wag mong ipakita sa akin ang mga ngiting yan. Peke, malungkot, ano bang problema?"

"W-wala." ngumiti ulit si Yssah. Pinipilit niyang ipakita ang usual niyang ngiti, masaya. Masayahin nga siya diba? Sa pagkakaalam niya normal naman ang mga ngiti niya, yung parang dati lang. Pero nagtataka siya kung paano napapansin ni Gino ang mga iyon.. mga ngiting peke.

"Kahit naman sino mapapansin na may problema ka." sumandal si Gino sa pader kung saan nakasandal din ang dalaga. Kumuha siya ng isang random na libro sa shelf na nasa harapan nila. Napangiti si Gino sa title ng libro kaya sinilip ito ni Yssah. 'Hidden behind those smiles'

Naguluhan si Yssah kung bakit ngumingiti si Gino. Siguro dahil sa title kaya hinayaan niya na lang at naupo ulit siya ng maayos at binasa ulit ang librong nire-review niya. Natigilan siya ng ipinakita sa kaniya ni Gino ang libro kaya tumingin ulit siya sa binata ng naguguluhan.

"Hidden behind those smiles." pagbabasa ni Gino sa title ng libro. Hindi pa din maintindihan ng dalaga ang sinasabi ni Gino.

"Alam ko. Nababasa ko naman eh." nakakunot ang noo niya. Napangiti na lang si Gino pero hindi na niya sinabi kung anong nasa isip niya.

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Where stories live. Discover now