Chapter 71

147 8 0
                                    

Dedicated po sayo. Sorry kung natakot kita sa last chapter :)) Continue supporting :)

--------

Chapter 71

"DOUBLE TIME! DOUBLE TIME!!!" dinig kong sigaw ni Ms. Evangelista sa props team.

Nandito nanaman ako sa studio room kung saan nagkakalat ang mga estudyanteng nasa theatre club. Pakipaalala nga sa akin kung bakit ako napapayag ni Diane sa play na 'to. Dahil sa pagkakatanda ko wala akong sinalihang ni isang club.

"Where are the supporting cast?!" sigaw ulit ni ms. Evangelista. Ang init na ng ulo niya. Siguro dahil pagod na din siya, ang dami kasi niyang inaayos at mukhang wala pa ding improvement.

Hindi muna niya ako pinagtutuunan ng pansin dahil bago pa lang ako. Pangalawang araw ko pa lang 'to at natuwa na siya sa akin noong first day ko which is, kahapon. First 5 scenes kasi kahapon kabisado ko na. Paano ko hindi makakabisa iyon eh hindi ba naman ako paalisin ni Diane ng hindi 'yon nakakabisa. At ngayon kabisado ko na din ang 6-10th scene dahil sa tulong ni Patrick kagabi. Well, thanks to Diane and Patrick hindi ako napapagalitan ni Ms. Evangelista.

"Where is the male lead?! Wala pa ding gaganap sa role ni Matthew?! Kyla! Nasaan si Kyla?!" gusto kong magtago sa kinauupuan ko dahil nakakatakot nga talaga si ms. Evangelista kapag super na s-stress na at nagagalit. Parang ano mang minuto bubuga siya ng apoy.

Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa script na hawak ko. Naririnig ko pa ang pagtawag ni ms. Evangelista kay Kyla, siya kasi ang nakatoka sa paghahanap sa male lead pero mukhang wala pa din atang nahahanap.

"Napaka seryoso natin ah."

Naganagat ako ng ulo at nakita ko si Diane. Inabot niya sa akin ang isang bote ng C2 apple flavor. Naupo siya sa katabing upuan ko na kasalukuyang bakante.

"Salamat."

"Tama na muna ang practice." sabi niya sa akin. Kumunot naman ang noo ko, parang kahapon lang gusto niya akong patayin sa pag me-memorize ng mga lines ko tapos ngayon pinapatigil niya ako. "..baka mabaliw ka na sa kakakabisa niyan kung hindi ka pa titigil hahaha." at pinagtawanan niya pa talaga ako ah.

"Baka mapagalitan ako ni ms. Evangelista." totoo naman eh. Kanina pa nga lang natatakot na ako kahit hindi naman ako ang pinagagalitan paano pa kaya kapag ako na talaga ang pinagalitan.

"ano ka ba, pumuntos ka na kahapon kay ms. Evangelista. Kalma ka lang diyan, wag kang mag alala hindi ka pagbabalingan niyan ni ms. Evangelista."

Nakahinga naman ako ng maluwag. Ngayon ko lang napansin, pigil pala ang paghinga ko dahil sa nakakatakot na sigaw ni Ms. Evangelista kanina.

"Nakakatakot kasi eh." nasabi ko na lang. Tumawa naman siya.

"Ganiyan talalga si ms. Evangelista pero mabait naman talaga siya lalo na kung maayos ang performance mo."

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Where stories live. Discover now