Chapter 75

98 4 0
                                    

Three chapters po ang ia-update ko ngayon ah :) Ch. 75-77 :)

(1/3)

----

Chapter 75

YSSAH'S POV

"Anong ginagawa mo dito?" tumuloy lang ako papasok ng bahay at nilampasan ko siya.

"Hello to you too, Yssah." sabi niya pero bakas pa din ang pagka mataray niya.

"Ang tanong ko kung anong ginagawa mo dito?" dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig. Kapag nakikita ko talaga ang mukha ni Ryan di ko na maiwasan ang pagsama ng mood ko. Oo, si Ryan nga ang nandito sa bahay.

"Hmm.. Ano bang dapat kong sabihin? Ahmm.. let's just say.. I'll be staying here for a while." simpleng sagot niya.

"Nahihibang ka na nga talalga. Excuse me nga nakaharang ka sa daanan ko."

"Oppss sorry."

tumabi naman siya para bigyan ako ng space makalabas ng kusina. Kasi naman sa bukana pa talaga ng kusina nagawang mag pose ng babaeng 'to eh.

Tahimik ang buong bahay maliban na nga lang sa babaeng nasa likuran ko na may sinasabi pero di ko naman naintindihan dahil wala naman akong pakialam. Nasaan ba si Patrick? Hindi ko siya nakita sa labas ng bahay kanina, wala dito sa living room at mas lalong wala sa kusina. Nasa kwarto kaya? Eh ano namang ginagawa ng babaeng 'to dito sa bahay namin? May ginawa ba siya kay PAtrick?!

Tumingin ako sa bukana ng kusina. Wala na si Ryan doon. Narinig ko ang pagtunog ng microwave kaya bualik ulit ako sa kusina at nakita ko nga doon si Ryan na nakikialam ng microwave. MAgsasalita na sana ako para itanong kung nasaan si Patrick pero naunahan na niya ako.

"Kung hinahanap mo si Patrick nandoon siya sa kwarto niya. Tulog na ata.."

Tumingin siya sa akin sabay kagat sa mansanas na hawak niya. Kung ano pang inilabas niya sa ref na pagkain tapos inilagay sa microwave at kung anu-anong pinindot doon. Kinagatan niya ulit ang hawak niyang apple.

"..Nandito siya sa baba kanina waiting for you kaso he looks really tired dahil na din siguro sa byahe kaya sabi ko magpahinga na siya ako ng bahalang maghintay sa'yo."

"ANong ginawa mo kay PAtrick?"

"Hmm.. for now, wala pa. He's too tired to entertain me eh." maarte niyang sabi sabay ngiti ng nakaka asar.

Naiinis ako sa kaniya pero sa hindi ko malamang dahilan.. wala akong balak patayin siya sa utak ko. May sayad ba ako? Parang dati gusto ko na siyang ilibing sa isip ko pero ngayon may something na hindi ko maipaliwanag na nagsasabing hindi ngayon ang oras ng pakikipagtalo sa babaeng 'to.

"Alam kong maganda ako kaya hindi mo na kailangan pang titigan ako ng ganiya." kumagat ulit siya sa mansanas na hawak niya at tsaka tumingin ulit sa akin. tumunog ang microwave. "..o, tapos na." inalis niya sa microwave ang kaninang mga pagkaing kinuha niya sa ref. Inilagay niya iyon sa mesa. "..ininit ko naang pagkain mo. Kumain ka na kung hindi ka pa kumakain."

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon