Chapter 59

183 9 1
                                    

Dedicated to her :)

Thank you for always supporting this story :)

---

Chapter 59

"Mr. Saavedra wala pa din bang improvement ang project na 'to? Hanggang ngayon hindi pa finalize ang proposal na 'to." nakakunot na tanong ng dean ng school nila habang hawak ang isang folder na may nakasulat na proposal.

"Ma'am we still need time to finalize the proposal. Masyado pong busy--"

"Busy? All of us are busy here. I'm glad that you're helping your professors when it comes to their lectures but it's their work, NOT yours." binigyan nito ng diin ang NOT dahil madaming nakakararing sa kaniyang balita patungkol sa pagtuturo ni Patrick sa mga kaklase niya kapag wala ang kanilang guro. Mali ito dahil hindi gawain ng isang estudyante ang magturo dahil lang sa wala ang guro. Masyadong masasanay ang guro na hindi na magturo dahil may gumagawa naman nun para sa kanila at sa huli sila ang kikita at hindi si Patrick na nagpakahirap sa pagtuturo.

"Ma'am okay naman po ang pagtuturo ni Patrick tsaka po nakikinig po sa kaniya ang buong klase." pagtatanggol naman ni Rhian kay Patrick dahil totoo nmaan ang sinasabi niya. Tuwing si Patrick ang nagtuturo nakikinig ang mga kaklase niya. Dahil nga sa makaagaw atensyon ang mukha ng binata.

"That's not a valid reason. Umaabuso na ang ibang tao kaya kailangan ng mai-ayos sa dati ang lahat. Mr. Saavedra.." tumingin ulit ang dean sa pwesto ni Patrick. Silang tatlo lang ang nasa opisina ng dean. "..ayaw ko ng may mabalitaan na ikaw ang pumapalit sa mga propesor mo sa pagtuturo. Stop it, hayaan mo sila dahil trabaho nila 'yon. Focus on your own studies and on this project at every Saturday.. hindi ba't may meeting kayo for the finalization pero balita ko hindi ka pumupunta."

"Dean, oras ko po para kay Yssah 'yon. Sakaniya po ang Saturdays at Sundays ko. Hindi naman po pwedeng buong linggo akong nakatutok sa project. Ginagawa ko naman po ang responsibilidad ko kahit hindi po ako pumupunta tuwing Saturday." umiling iling ang dean sa rason ni Patrick. Kilala ng dean ang Yssah na tinutukoy ni Patrick ito ang babaeng inspirasyon ng binata sa lahat ng achievements nito kaya di niya masisisi ang binata pero hindi niya iri-risk ang reputasyon ng paaralan kung sakaling pumalpak ang project na 'to dahil lang sa hindi pagpunta ni Patrick tuwing Saturday.

"Naiintindihan kita, mr. Saavedra. Maging ako ay may sariling pamilya at gusto kong tuwing weekends ay kasama sila pero hindi pwede.. may trabaho ako, may responsibilidad ako na kailangan kong unahin. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin, mr. Saavedra. Sa tingin ko naman ay maiintindihan ka ni ms. Velasco, tama ba?" tumango ng dahan dahan si Patrick kahit pa sobrang labag sa kalooban niya ang pag sang-ayon niya. "I guess, tapos na ang pag uusap na ito. Gusto kong makakita na ng improvement next week. Maari ba 'yon?" ngumiti ang dean sa kanilang dalawa at tumango lang si Patrick. Nagpasalamat naman si Rhian sa dean at sabay na silang lumabas ng opisina.

"Oi ngumiti ka naman." sabi ni Rhian ng makalabas sila ng opisina. Napansin niyang mas nalungkot ang mukha ni Patrick at may bahid ng pagkainis matapos ng pag-uusap na iyon sa loob ng dean's office. "Mahigit isang buwan lang naman eh. Konting mga araw lang iyon! After naman nun may bonding time na kayo ni Yssah." masayang sabi ni Rhian. Gusto niyang pangitiin si Patrick sa paraang alam niya pero mukhang hindi ngingiti si Patrick sa tuwing naiisip na wala nanaman siyang time para kay Yssah.

Tumawa si Rhian baka sakaling gumaya sa kaniya si Patrick pero hindi siya pinansin kaya binatukan niya si Patrick. Natigil sa paglalakad ang binata at masama siyang tiningnan. Nag peace sign siya sa binata at sinabing sorry. Ngumiti si Patrick pero hindi umabot sa SAYA. Hindi siya masaya.

---

"Hoi Isabella ano nanaman bang ginagawa mo diyan ha?" tanong ni Diane kay Yssah.

"Tinitingnan ko kasi 'tong formula na binigay kanina ni sir. Umali."

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon