Chapter 68

150 5 1
                                    

2nd update for today :) Chapter 67 at 68 po ang update ko ngayon ah :))

---

Chapter 68

YSSAH'S POV

"Isabella? Yoohoooo?!!" tumingin ako kay Diane na kanina pa ako tinatawag pero di ko pinapansin kasi ka-text ko si Patrick.

Nasa meeting siya kaya naman puro text lang muna kami ngayon. Pasaway talaga 'yon, may meeting pero text ng text.

"Excuse me lang po ano po? Kanina pa po kasi ako dito di mo man lang ako pinapansin.. Porket nagka ayos na kayo nagkaganiyan ka na. Di mo na ko pinapansin." ngumuso pa siya na ikinangiti ko lalo. Ang cute niya kasi tumataba yung pisngi niya kaya di ko na napigilang kurutin ang pisngi niya.

"A-aish! Ang shakit!" natawa ko ng hampasin niya ang kamay ko palayo sa pisngi niya at hinimas niya ang magkabilang pisngi niya pinanggigilan ko. "Ikaw ah. Ang hilig mong mangurot. Baka naman naglilihi ka?"

Mabuti na lang hindi ko pa naiinom ang mineral water na hawak ko dahil baka maibuga ko yon sa mukha niya sa gulat.

"Tumigil ka nga!" hinampas ko siya sa balikat. Panigurado namumula nanaman ako. Tama ba namang itanong 'yon? Ni hindi pa nga kami nag.. hmm.. yung ano.. yung.. ahmm. muntik lang. Okay Yssah ERASE! ERASE! ERASE!

"Bakit? May nangyari na ba sa inyo? Ha?" sinundot sundot niya ang tagiliran ko. Pakiramdam ko namumula na talaga ang mukha ko. VIRGIN pa po akoooooo! WAAAAHHHH!! "Alam mo Isabella hindi naman masama na gawin niyo 'yun pero kailangan niyo ng proteksyon. Alam mo naman.."

Tinakpan ko na ang magkabilang tenga ko. Hindi ko kayang pakinggan pa ang mga sinasabi ng babaeng 'to. Kaibigan ko ba talaga siya? Pakiramdam ko hindi. Dyos ko po!

"..sa panahon ngayon normal na talaga 'yon sa taong nagmamahalan at ang iba nga puro landian pero suportado ko kayo. So ano.. ninang na ba ako? Ha? Ninang na ba ko?" niyugyog niya ako pero nakatakip pa din ang mga kamay ko sa tenga ko.

"Sino ang ninang?" di ko alam kung magpapasalamat ako dahil sa biglang pagsulpot dito ni Gino o kailangan ko na ding takpan ang mukha ko dahil sa sobrang pamumula.

"Ito kasing si Isabella baka bu--" agad ko ng tinakpan ang bibig niya dahil baka kung ano nanamang lumabas sa madaldal niyang bibig. Baka kung ano pa ang isipin ni Gino.

"Ha?"

"W-wala hahaha" sagot ko habang nakatakip pa din sa bibig ni Diane.

Binitawan ko siya ng biglang tumunog ang cellphone ko at automatic na kinuha ko iyon at pinindot ang answer botton.

"Hello Patrick?" yung ngiti ni Diane abot tenga at halatang inaasar nanaman niya ako sa utak niya.. kabaliktaran ng ngiti ni Gino. Tatanungin ko sana si Gino kaso nagsalita si Patrick.

(Happy lunch time mrs. Saavedra. Kakatapos lang ng meeting namin. Kumain ka na ba?)

"Nandito kami ngayon sa canteen kumakain pa lang. Ikaw? Kumain ka na ba ha? Wag kang magpapalipas."

(Ang sweet naman ng mrs. ko oh.. Opo kakain na din naman ako eh.)

"Good. Sinong kasama mo ku--" hindi ko na naituloy ang itatanong ko dahil nasagot na agad ang tanong ko ng hindi pa man lang totally naitatanong.

(Pats kain na tayo nagdala ako ng packed lunch natin--Mauna ka na kausap ko pa misis ko eh.)  yung inis ko sa boses ni Ryan medyo nabawasan dahil sa sinabing iyon ni Patrick. He can tell everyone that I am his wife.. That he is already taken. (Mrs. Saavedra susunduin kita mamaya ah. I-text mo ako agad pag tapos na ang last class mo. iloveyousooooomuch.)

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Where stories live. Discover now