Chapter 90

115 6 3
                                    

6th update ngayong araw :) start sa 85 ha baka malampasan niyo :)

Nakasalalay sa votes and comments niyo ang epilogue :)

---

Chapter 90

THIRD PERSON’S POV

Hindi naging madali kay Yssah ang mga sumunod na araw dahil mas dumami at bumigat ang trabaho niya. Pumunta pa siya sa Italy dahil sabi ng kaibigan niyang si Bien ay nagkaroon ng problema. Ilang beses na din siyang pabalik balik ng Pinas at Italy at halos wala na siyang pahinga at mas sumasakit pa ang ulo niya dahil sa ginagawa ni Patrick.

Nagkikita silang dalawa sa mga business meetings and business deals pero hindi sila nakakapag usap ng matino dahil nagiging immature na ang mga kinikilos ni Patrick. Kapag nagkikita sila without the BUSINESS schedules parang hindi sila magkakilala. Dinadaanan lang siya at ni hindi nga siya tinitingnan ni Patrick, pabor yun sa kaniya kaya naman okay lang pero may part sa kaniya na sana magkaibigan pa din sila.

“Patrick!” tawag ni Yssah kay Patrick ng makita niya ito sa loob ng mall. Gusto niyang makausap si Patrick tungkol sa mga magulang nito, sina tita Aya at tito Ian dahil gusto niyang makita at makumusta man lang sila.

Simula kasi ng bumalik si Yssah mula sa ibang bansa ay hindi niya pa din nakita ang mga nagaruga sa kaniya. Malaki ang utang na loob niya sa mga magulang ni Patrick dahil sila ang nagpa aral sa kaniya, nagbigay ng tirahan, nagpakain at marami pang iba. At gusto niya ding humingi ng sorry dahil sa biglaan niyang pagalis noon.

“Patrick!” lumapit si Yssah kay Patrick dahil kahit anong tawag niya ay hindi ata siya naririnig. Hinawakan niya sa braso si Patrick at napaharap ito sa kaniya pero agad inalis ni Patrick ang pagkakahawak niya.

“We’re not talking about business here, are we?”

“A-ah hindi. Itatanong ko lang sana kung kumusta na sina tita Aya at tito Ian balak ko sanang puntahan sila at kumustahin.”

“Then do it. It’s none of my business.”

“Pat—“ hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil tinalikuran na siya ni Patrick.

Napahawak siya sa ulo niya dahil sa inis kaya naman minabuti niyang tawagan na lang sina Diane, Jessa at Lauren para samahan siya sa mall.

“Edi ba yun naman ang gusto mo?” sabi ni Diane.

“Kaya nga, o ayan na di ka na niya nilalapitan ng nilalapitan tapos ngayon nagrereklamo ka.” Dagdag ni Lauren.

“Pabor nga yun sa akin pero sana man lang kinausap niya ako ng matino diba. Sila tita Aya naman kinukumusta ko hindi naman siya!”

“Mismo! Nagtatampo yun dahil siya ang nasa tabi mo pero iba naman hinahanap mo.” Sabi ni jessa at kulang na lang ay pukpukin ng kutsara sa ulo si Yssah.

“Tss. Ewan ko sa kaniya masyado siyang nag iisip bata.” Humahabang nguso na sabi ni Yssah.

“Oi Yssah libre mo ‘to ah. Tumakas pa kami sa klase namin para masamahan ka.”

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Where stories live. Discover now