Chapter 60

197 8 1
                                    

Dedicated to  @missimperpectperson : thank you po sa pagbabasa ng story na 'to and sa pag vote ng mga chapters.. thank you po :))

Hindi po kita ma-tag dahil di ka po naka-follow pero dedicated po sayo dahil po napansin ko ang support mo :)) thank you po ulit.

Kung napapansin niyo po lately may mga naka tag na kung kanino ko dinede-dicate ang chapters dahil po laptop na ang gamit ko at hindi mobile.. Gusto kong balikan yung mga dating chapters para malagyan ko ng dedications.. tell me na lang po kung sino ang gusto ng dedications :))

---

Chapter 60

Lumipas ang mga araw na halos hindi na magkita sina Yssah at Patrick. Masyadong busy, dinaig pa ang tunay na college students at mga nagtatrabahong tao sa sobrang busy nila.

Actually si Patrick lang naman talaga ang busy samantalang si Yssah pinipilit ang sariling maging busy para hindi siya maboring at malungkot sa tuwing naaalalang busy si Patrick.

Nakarinig si Yssah ng tunog ng pinto. Ibig sabihin dumating na si Patrick! Agad siyang bumaba ng kwarto at sinalubong si Patrick ng nakangiti.

"Good evening Patrick!" nakangiti niyang bati kay Patrick.

"Good evening " sagot naman ni Patrick. Ngumiti ito ng konti pero halatang pilit lang.

"Kumain ka na ba? Tara, kain ta--"

"Tapos na akong kumain. Kumain ka na kung hindi ka pa kumakain. Ayaw kong nalilipasan ka ng gutom." Hinalikan muna siya sa pisngi at nilampasan na siya ni Patrick at dumiretso ito sa kwarto.

Ang kaninang ngiti sa mukha ni Yssah ay naglaho. Pagod lang siya Yssah.. Pangungumbinsi niya sa sarili.

Oo pagod nga si Patrick sa daming ginagawa at stress pa. Hindi mo nga iisipin na estudyante pa lamang ito eh. Pero kasi ngayon, tumutulong si Patrick sa business nila. Kailangan siya ng daddy niya at noong nakaraang araw ay kailangan pa ngang bumalik ni Patrick sa Tabi Island dahil lang sinabi ng daddy niya na kailangan siya doon. Gustong sumama ni Yssah pero hindi siya pinayagan ni Patrick na sumama dahil may pasok siya at saktong may exam si Yssah ng araw na iyon.

Pumasok na lang si Yssah sa kwarto niya. Nawalan na siya ng ganang kumain. Matutulog na lang sana siya pero gusto niyang makita ulit si Patrick kaya naman minabuti niyang pumunta sa kwarto ni Patrick para silipin ito.

Nakataob si Patrick sa kama. Mukhang pagod na dahil humihilik na ito ng konti. Lumapit si Yssah kay Patrick para pagmasdan ito. Pagod na pagod nga. Napabuntong hininga na lamang siya.

Kinumutan niya ng maayos si Patrick at hinalikan ang pisngi nito. Hindi naman malalaman ni Patrick kaya humalik ulit siya pero sa labi naman. Napangiti siya sa kalokohang ginagawa niya. Lalabas na sana siya ng tumunog ang phone ni Patrick.

Hindi na sana niya papansinin pero tumunog ulit. Ayaw niyang magising si Patrick kaya kinuha niya ang phone na nasa bedside table. Hindi niya alam kung pagsisisihan niya bang kinuha niya pa ang phone dahil sa pangalang nakita niya sa screen.

Rhian calling...

Nanginginig ang mga kamay niya. Gusto niyang sagutin ang tawag. Gusto niyang marinig ang boses ng babaeng kinaiinisan niya pero natatakot siya sa sasabihin nito. Muntik na niyang mabitawan ang phone ng biglang gumalaw si Patrick kaya naman nasagot niya ang tawag.

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Where stories live. Discover now