Chapter 62

167 6 1
                                    

Dedicated to her :) natuwa kasi ako sayo eh hehehe :D thank you :)

---

Chapter 62

"Tara na Yssah." naka akbay sa akin si Gino at nakatalikod kami sa cafeteria. Alam kong nakita niya din ang nakita ko kaya ganito ang inaakto niya.

Sinabi naman sa akin kanina ni Patrick eh. Sinabi niyang magkasama sila ni Rhian. Sinabi niya 'yon kaso siguro umasa din akong joke lang 'yon. Na sana sinabi niya lang 'yon para mag reply ako kaagad. Na sana hindi talaga sila magkasama.

So ito pala ang kabang nararamdaman ko kanina? Ito ba ang eksenang iyon? Na bago pa lang mangyari ay nararamdaman ko na at binibigyan na ako kaagad ng warning? Bakit di na lang ako nakinig?

Okay na nga diba. Oo, magkasama sila pero ako ang iniisip ni Patrick diba? Ako naman diba?

"He loves you kaya alisin mo ang kung ano mang negative thoughts diyan sa utak mo." sabi pa sa akin ni Gino.

Paano? Gusto kongi tanong kung paano. Kung kanina nga aware na akong magkasama sila pero iba pa din pala kapag nakita mo mismo na talagang magkasama sila.

"What happened?!" Agad na tanong ni Diane. Sino ba ang hindi magugulat kung kanina lang ay masaya kami tapos bigla akong nawala at pagbalik ko ay umiiyak na ako.

"Alis na tayo dito Diane." si Gino na ang sumagot. Hindi ko magawang ibukas ang mga bibig ko at panigurado kanina pa ko giatong kargahin ni Gino. Masyadong mabagal ang paglalakad ko.

Hindi nga ako nagkamali. Kinarga na nga niya ako.

"Wui ano bang nangyari? Okay alng ba si Isabella?" rinig kong tanong ni Diane. Gusto kong hawakan ang kamay niya at sabihing okay lang ako pero hindi ko kaya. Sino ba ang magiging okay after mong makitang may kasamang iba ang boyfriend mo.

Normal naman 'to diba?

Hindi naman 'to magiging problema sa amin diba?

School works lang ang ginagawa nila kaya sila magkasama diba?

Lahat na ata ng pangungumbinsi ginawa ko na sa srili ko pero at the end isa lang ang nagiging resulta.

I saw them. Magkasama, kumakain sa cafeteria. Ryan was smiling habang sinusubuan si Patrick.

Tell me. Sabihin niyo sa akin na ang O.A ko para ganito ang ikilos ko. Sabihin niyo sa aking normal lang ang nakita ko.

Gusto kong makarinig ng positive. Dahil promise, nilalamon na ako ng negative thoughts ko.

Naramdaman kong ibinaba na ako ni Gino, sa kotse? Yes, sa kotse niya nga ata 'to. Sumakay naman si Diane sa backseat. at hindi pa din siya natigil sa pagtatanong kung ano bang nangyari.

"Nadapa si Yssah kanina. Ang shunga kasi ng kaibigan mo." sabi ni Gino habang ikinakabit ang seatbelt. Siya na din ang nagkabit ng seatbelt ko.

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Where stories live. Discover now