Chapter 65

145 3 2
                                    

Ito na po ang second update ko for today :)  Chapters 64 and 65 po ah.

Dedicated to you po.. thank you for supporting this story :))

---

Chapter 65

YSSAH'S POV

Ano na bang nangyayari sa akin? Para yun lang naman eh. Bakit ganito ako makapag react? Hindi naman ako dapat umiiyak eh. Dumadating naman talaga sa relasyon ang mga ganitong problema. Siguro.. nakampante lang talaga ako. Hindi ko ine-expect na dadating agad ang problema. At masakit pa!

Hindi ko alam kung ilang oras na akong umiiyak. Wala atang balak tumigil sa pagtulo ang mga luha ko eh. Ayaw nilang tumigil, hindi nauubos.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kakaiyak. Pag gising ko ramdam ko ang bigat ng mata ko. Kaya hindi na ako nagtaka ng pagharap ko sa salamin ay magang maga ang mga mata ko. Paano ako papasok nito? Panigurado di ako titigilan ni Diane. Magtatanong yun ng magtatanong kung bakit ganito ang mata ko.

Anong oras na ba? Tumingin ako sa maliit na alarm clock sa bedside table ko. Naunahan ko ang alarm. 5am pa lang. Kailan ba ako nagising ng dahil sa alarm? Palagi kasing si Patrick ang gumigising sa akin.

Aish. Yssah palagi na lamg si Patrick ang iniisip mo. Ganiyan ka na ba talaga ka inlove sa kaniya? Mag focus ka kaya sa studies mo para naman makapasa ka at maipagmalaki mong nakatapos ka. Nakakahiya kina tita Aya at tito Ian, sila nag papa aral sa akin pero di ko magawa ang resoponsibilidad ko.

Tsk. Bakit ba naman kasi ang Ryan na 'yon ang ponagtuunan ko kagabi? Kung di ko na lang pinatulan iyon edi okay ako ngayon. Haii nako talaga.

Nagsuklay muna ako bago tuluyang bumaba. Tahimik ang buong bahay, malamang 5am pa lang naman eh. Pumunta ako sa kusina at inihanda ang lulutuin ko for breakfast.

May natira pang kanina kaya nagsangag ako at pagkatapos ay nagluto ako ng itlog at bacon. Nang matapos ako sa pagluluto ay inihain ko na sa mesa ang mga niluto ko. Natawa ako ng mahina lalo na ng makita ko ang naihanda kong pagkain sa mesa. How pathetic am I? Pinapahiya ko ba talaga ang sarili ko? Bakit pa ba ako nagluluto ng almusal kung sa huli naman mapipilitan lang si Patrick kainin ang ginawa ko.

Kinuha ko ang dalawang plato. Itatapon ko na sana ng biglang may nagsalita sa likuran ko. Gusto kong ngumiti dahil narining ko nanaman ang boses niya pero bumalik ulit ang eksena kagabi.

"Bakit mo itatapon? Gawa mo 'yan eh."  Gusto ko tuloy tumawa. 'yun nga eh, gawa ko 'to kaya itatapon ko na kesa naman kainin mo ng pilit. Gusto kong sabihin sa kaniya iyon pero di ko magawa.

Ibinalik ko na lang sa mesa ang dalawang plato. Naupo na ako sa pwesto ko at sinimulan na ang pagkain. Nakita ko namang naupo din siya sa pwesto niya at kinuha ang isang plato. The usual, kinain niya. Hindi ako nagsasalita at napuno ng katahimikan dito sa kainan.

Hindi niya siguro nakaya ang katahimikan kaya nagsalita na siya.

"Why did you slap her?" hindi ako nagsalita. Alangan naman sabihin ko yung mga sinabi ni Ryan baka magalit pa siya kay Ryan at kung ano pang magawa niya. Aii teka, bakit ba iniisip ko pa yun? Eh ano naman kung magalit siya kay Ryan? Mas okay nga yun eh.

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Where stories live. Discover now