Chapter 82

91 5 1
                                    

Three chapters for today 82-84.

(1/3)

Read my note sa pinaka dulo :))

---

Chapter 82

“Kinasusuklaman kita!”

“Kinamumuhian kita!”

“Manloloko ka!”

 

 

 

“Patrick.. Patrick hindi.. maniwala ka sa akin ikaw lang ang mahal ko.”

 

 

 

“Sinungaling! Hindi mo ako minahal! Wala kang kwenta!”

“Wala kang kwenta!”

“Hindi kita kailangan!”

“Maghiwalay na tayo!”

 

 

 

“Wag Patrick, wag mo akong iiwan.. Please.. please..” nakaluhod na nagmamakaawa si Yssah sa harap ni Patrick pero pagkamuhi at galit lang ang makikita sa mga mata ni Patrick.

 

 

Tumalikod si Patrick at nagsimula ng umalis.

 

 

“No.. hindi.. Patrick! Patrick! PATRIIIIIICCCKKK!”

 

 

“Patrick!” malalim ang bawat paghinga ni Yssah at pinapawisan din siya dahil sa takot gawa ng kaniyang panaginip.

Napahawak siya sa dibdib niya at dinama kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya. Isang panaginip, isang masamang panaginip. Akala niya totoo na ang lahat, akala niya mamamatay na siya ng tumalikod si Patrick.

Nang kumalma ang nararamdaman ni Yssah ay tsaka niya lang napansin na hindi siya pamilyar sa lugar kung nasaan siya. Isang kwarto, nakahiga naman siya sa kama. Pinilit niyang maupo at inilibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Normal room, may study area, may pinto para sa cr at mukhang may walk-in closet pa. Medyo dark ang kulay halatang lalaki ang may-ari.. Naalarma si Yssah ng mapagtantong lalaki ang may-ari ng kwarto.

Anong ginagawa ko sa kwartong ‘to? Kanino ang kwarto na ‘to? Natatarantang tumayo si Yssah. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang iba na ang suot niya.

Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto dahil baka may makarinig sa kaniya. Isa lang ang nasa isip niya ang makatakas siya pero paglabas niya ng kwarto nagging pamilyar na sa kaniya ang lugar kung nasaan siya.. condo ni Gino.

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon