Kabanata 5: Muling Pagkikita

Start from the beginning
                                    

Pagbitay? Iyon ang paraan nila ng pagbitay? Ang ipakain sa mga halimaw ang mga tao na iyon? Kung totoo man iyon ay wala silang pinagkaiba sa mga halimaw na iyon.

"Kung kakainin sila ng mga halimaw, anong katawan pa ang paglalamayan ng mga pamilya nila? Hindi ba masyadong mabigat na parusa ang ipinapataw niyo sa kanila? At isa pa, pinapakain niyo ang mga kalaban!"

Itinaas ko na ang aking boses para marinig nila akong lahat. Matatanda na sila kaya baka mahina na ang pandinig nila.

Natahimik silang lahat. Hindi ko alam kung naintindihan ba nila ang sinabi ko o hindi lang nila ako narinig nang maayos.

"Lapastangan!" Sigaw ng ministrong nasa gitna. "Sino ka para kuwetyunin ang proseso ng palasyo!"

Ihing ihi na ako kaya imbes na matakot ako ay hindi ako mapakali. Ang dami pa niyang sinabi ngunit hindi ko na iyon pinakinggan. Busy ako maghanap ng banyo sa silid na 'to.

"Nakikinig ka ba, alipin?"

Nagpantig ang tainga ko sa salitang alipin. Sino naman siya para sabihing alipin ako? Gusto ko pa sanang sumagot pero talagang ihing-ihi na ako.

"Pwede ba akong mag banyo muna sandali?" Paki-usap ko.

Pinayagan nila ako at pinasama sa dalawang kawal. Nasa labas ang banyo nila kaya akala nila ay balak ko lang tumakas.

Sasama pa sana sa loob ang dalawang kawal pero pinagdilatan ko sila ng mata ko. Hanggang sa loob ba naman sasama sila? Ano sabay-sabay kaming iihi sa iisang bowl?

Wala naman talaga akong balak tumakas. Naiihi lang naman talaga ako at hindi ko naman iiwan mag-isa doon sa silid na 'yon si Rushin.

Pabalik na kami sa silid ng paghuhukom nang may dumaan sa harap ko na isang batang babae. Maliit pa siya pero nakakapaglakad na siya nang bahagya.

Bago pa man ako makalapit sa kanya ay narinig ko ang aking pangalan.

"Serenity!"

Lumingon agad ako at literal talaga na huminto ang mundo ko. Naninigas ang mga paa ko, ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko maigalaw ang mga bibig ko. Nagsisimula na rin akong mahirapan sa aking paghinga.

Nanlaki rin ang kanyang mga mata dahilan para makita ko nang maayos ang mga asul niyang mata.

Lahat ng inipon kong pag mo-move on ay nawala na lang bigla. Ang rupok ko. Nakita ko lang ulit siya nang ganito kalapit pagkatapos bumalik na naman lahat ng nararamdaman ko para sa kanya.

"Xi-xiang..."

Humakbang siya papalapit sa akin at hinawakan niya agad ang aking mukha.

"Ikaw ba talaga ang nakikita ko? Hindi ito isang panaginip lamang?" Napapalunok ako sa ginagawa niyang paghaplod sa buhok ko. "Nasa harapan nga ba talaga kita?"

Oo Scion... nandito nga ako sa harapan mo. Nandito ako ulit para mahalin–

Hindi. Hindi pwede. At lalong hindi dapat ako umamin sa totoo kong pagkatao.

"Paumanhin pero hindi ko po kilala ang sinasabi niyo," pagpapanggap ko. Hindi ko alam kung magaling na ako magsinungaling pero ang importante ay h'wag akong umamin kahit ano pa ang mangyari. "Hindi po ako si Xiang."

"Anong ibig kong sabihin? Lumingon ka rin ng tawagin ko si Serenity," tinignan niya ang batang babae na nasa likuran ko. Bigla kong naalala si Shin. Ipinangalan nga pala niya sa akin ang kanyang anak. "Alam kong ikaw 'yan, hindi ako pwedeng magkamali. Ano bang nangyayari sa'yo, Xiang! Ako 'to, si Scion!"

Itinulak ko siya palayo sa akin. Mas magiging madali ang lahat kung hindi siya malapit sa akin. Mas makakapag-isip ako nang maayos.

"Paumanhin po pero hindi po talaga ako si Xiang."

Zithea (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now