42: Know Your Spot

85 1 0
                                    

LINDSAY POV:

" For how long na nga ba kayong magkaibigan matanong ko lang?
....... 2-3 years.. At kaibigan ka pa rin? Tskk tskkk...." paulit ulit na alingawngaw sa utak ko. Nakakainis sya. Parang gusto ko na ngang umuwi habang iniisp ko lahat ng sinabi nya at ang masama pag nakikita ko silang dalawa na magkasama.

I never seen Bry like that before at yun ang pinakanakakainis. Sa lahat ng naging girlfriend nya hindi sya sweet. Hinahayaan nya lang magpakasweet sa kanya. Pero sa kanya ewan ko ba enjoy na enjoy sya kasama yang Ice na yan. Kahit ang sama naman ng ugali. Yung mga mata nya hindi maalis sa kanya at iba ang ngiti nya pag kasama nya si Ice.

Bakit nga ba Bry?

All these years na naging close tayo, bakit hindi naging ako? Hindi ko alam kung anong kulang sa atin para hindi pa maging tayo. Sobrang open mo sakin ganun din ako sayo. Happy ka din nman kasama ko. Not until dumating sya sa buhay mo.

Thrill ba talaga ang gusto mo? Kasi yun naman palagi mo palusot sakin pag tinanong kita ng 'oh bakit ka nakipaghiwalay.'... Sagot mo lang 'walang thrill Tams. Hayaan mo na sya.'

Hindi ko maikailang gusto kita... Gustong gusto kita. Sana inamin ko na lang noon pa bago mo pa sya nakilala.

...

Nag-ayos na lang ako ng gamit at nagstart na sa planning para sa camp. We had a long orientation at sinabi na paghihiwa-hiwalayin ang boys and girls. Nagtipon tipon ang lahat ng girls sa isang banda, nagdatingan din ang iba pa from other schools. And then to my surprise.....

"Hi Lindsay my dear..." ani ng isang babaeng well make up at kulot ang hair.
Paglingon ko ay si Cassidy Hernandez.. (Ex-gf ni Bry just after lumipat sya sa St. Martin, kasi ang mga walangya masyadong PDA at may kumalat na video na dahilan para maexpel si Bryson sa school namin.) Dahilan ng sobrang lalang away namin at sobrang sakit ng loob ko sa kanya. I thought hindi ko na sya mapapatawad that time. Ano namang ginagawa ng babaeng to dito? At bakit dito pa talaga, alam nyang suklam na suklam ako sa kanya at alam kong balak nya lang ako inisin kasi sinugod ko talaga sya before at halos mapahiya sya, I never knew magagawa ko.

"Hi, so you're here too." kaswal na sabi ko sa kanya.

"yeah, kakarating ko lang actually nagpahatid lang ako sa driver ko." pagmamayabang nito. "and by the way, bry is here?"

Hindi ko sya pinansin tinuloy ko lang ang ginagawa ko.

"oh sorry dear, hindi na nga pala kau classmates. Peo siguro naman e BESTFRIENDS pa rin kayo?"

Bat ba ang daming kontrabida sa mundo? Masala dun sa isa eto naman. Oo na bestfriend lang ako pero hindi nyo alam kung gano ang naging impact ko kay Bry, bago pa kayo dumating nada buhay nya na ako.

" Yes. He's here at the St martin's side."

" oh really, ill see him later. Well. Ok after all what happened we managed to be good friends still. How nice of him di ba." pangaasar nya. Bakit ako ba ang kinakausap nito.

"alam mo Cassidy tigilan mo na ko. May girlfriend na si Bry."

"ohh Talaga? So hindi pa rin ikaw?..Biruin mo nga naman yon no.. Ambagal mo naman girl." sabay tawa nya. Inis na inis na ko ng bigla lang syang hawiin ng bestfriend ko

"Cassidy Hernandez, so anong ginagawa ng mga tulad mo dito?" pangasar na depensa nito

"Having fun."

"alam mo imbis na si Lindsay ang asarin ymo no aun ung bagong girlfriend nyan bakit hindi yun ang balingan mo tutal pareho naman kayo. Tska pwede ba tigil tigilan mo si Lindsay. Baka hindi kita matantsa." inis na bwelta ni Liberty dito

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perks of Being a Cold FishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon