13: You're worth it, Ice

1.2K 24 0
                                    

(Bry's POV)

"Sige Pre, una na ulit kayo. Sa Saturday kita-kita na lang tayo sa may Reddox Comp Shop." paalam ko kila Liam na nagyayaya nanaman ng Dota at sa kasamaang palad hindi nanaman ako makakasama. Lagi na lang ba.

"Sige-sige pre. May magagawa ba kami?" sabi ni Liam.

"Kalma lang tayo pre ah, Pogi tayo." Biro ko na lang sa kanila.

"okay sige na nga, pasalamat ka Bry pogi ka.. ehehehe." Loko din ni Nolan sa akin.

Pag nakikita ko tong si Nolan naaalala ko si Ice. Ang laki ng galit ni Nolan sa babaeng yun kasi masyado nyang nilait lait ang mga tigyawat nitong isa. Napakasama talaga nya. Pati ba naman yung nananahimik na tigyawat with s, pinakekealaman pa nya.

Pagkaalis nila Liam, dumeretso na ako sa grandstand. Sabi kasi ni Ice dun na lang kami magkita.  Pagdating ko dun, nadun sya sa gitna ng track and field. Nababaliw nanaman siguro yun. Ang layu-layo nya. Nilagay ko na ang bag ko at naupo muna habang tinitingnan sya dun sa track and field na parang may hinahabol. Ano nanaman kaya yun?

Maya-maya napansin nya na ata ako na nakaupo sa may bleachers.

"Giaaaaaaaaaaaaaaan!!!" tawag nya sa akin mula sa malayo. "Halllliiiiiiikaaaaaa ditttttoooooooo......tiiiiiingggnaaaaan mo toooooo oh." 

Ano naman kaya yun? 

Tumayo na ako pinuntahan na sya. Baka nanaman pag hindi ko sya sinunod magwala to dun. Nang malapitan ko sya, hinhabol pala ang isang puting kuting dun.

"Ano ba yan, madumi yan oi." sabi ko sa kanya.

"Ulol bat naman dudumi yan. Baka mas madumi ka pa dyan eh... nakakaawa naman kaya sya. Panu kung umulan? Mababasa sya.... tapos lalagnatin.....

Pusa nilagnat?

....Tapos manghihina....Tapos... mamamatay sya na walang laban. Kawawa naman." awang awang sabi nya habang buhat yung kapirasong pangit at maduming kuting na yun.

"Ice, bitawan mo na nga yan baka kagatin ka pa nyan."

"Hindi to mangangagat.. ang bait kaya oh tingnan mo." sabay tapat nung kuting sa pagmumukha ko.

"Ano ba! Ang baho baho nyan eh."

"Ang arte mo. Baka mas malansa pa si Fina dito eh."

"Natural isda yun, hindi ako mahilig sa mga pusa no. Allergic si Fina dyan."

"Natural isang lulon lang nito yang Fina mo eh. Dun na nga tayo sa bleachers." yaya nya sa akin habang hawak hawak pa rin yung kuting.

Umupo na kami sa bleachers. KAso yung atensyon nya nakatuon talaga dun sa kuting na yun. Kainis naman oh, kaya nga ako nagpunta dito eh. Para ako yung pansinin nya. Kaso wala ata akong mapapala kasi todo haplos sya dun sa kuting.

"Alam mo, gustong gusto ko tong si Ming Ming ang bait-bait." sabi ni Ice. Ngayon ko lang ata to narinig na magsalita ng kalmadong kalmado.

"Oh edi iuwi mo."

"Hindi pwede ih, magagalit si Mrs. Marga."

"Sino naman si Mrs. Marga?"

"Wag mo na nga itanong!!! Hindi mo naman ikapapasa kung malalaman mo kung sino sya eh!! Oh game na, kunin mo na yung Geometry!! Hampaslupang ito!" NAkupo!! Ayan nanaman sya. Akala ko bumait na talaga. Ice! iCe! iCe! Why are you so unpredictable.

Perks of Being a Cold FishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon