34: Happy Birthday Ice Part 1

908 18 1
                                    

(Ice's POV)

Wala ba kayong napapansin?

?

Natural wala. Ganyan naman kayo eh.

Hirap sa mga tao ngayon eh, walang napapansin. Hindi nila napapansin na tanga sila, na para silang tanga at mukha silang tanga. Umagang umaga nakakabadtrip ang laman ng newfeed ko, mga group messages sa inbox ng cellphone ko. Nakakabwisit! Birthday na Birthday ko nabibwisit nanaman ako sa mga umagang katangahan.

Sino ba naman hindi maiinis..... eto ha, karamihan sa mga nakikita kong post sa facebook. Mag popost ng picture tapos sasabihing ang panget daw nya dun para mapuri sya, napakahahampaslupa, at ano gutom lang sa papuri? Grabe no. Walang kwenta.

Tapos ano pa, lahat na lang ng kainin pipicturan. Anong pakealam ng sambayanan don, makakatikim ba kami ng pinagyayabang nila. Kahampaslupaan nanaman! Ang yayabang bwiset. Isama mo pa yang mga kabayong ginagawang kwintas ang DSLR camera nila tapos magpapagala gala sa mga mall... JUSKO! salamat ha, nakatulong yang kayabangan mo sa paghihirap ng Pilipinas.

OH Wag na sila magsalita, yang mga mukha nila pa lang eh sapat na para painitin ang ulo ko! Take note ah, sa BIRTHDAY ko!

Maniwala na kayo birthday ko nga ngayon.. Kahit ganto kasama ang ugali ko nagbibirthday din ako wag nga kayong ano! Per hindi ko pinagkakalat sa mga hampaslupa, kasi pustahan kakantsawan lang nila ako, para ano? Para busugin ko ang mga hampaslupang kalamnan nila? Oi hindi na no and never will be. Magpapakain na lang ako sa mga taong nangangailangan ng pagkain sa mga kumukulo nilang tyan. Gusto ko ng may sense na birthday. I don't need parties, anyway and I don't need fake visitors.

Ang sama ko ba?

Naiinis na ba kayo?

Oh well, wala naman kayong magagawa eh. Lahat ng bagay sa mundo kailangang may balanse. Kasi kung hindi.... magugunaw to. Magugunaw sa mga walang kwentang bagay na umuuso sa mga literal at tipikal na nilalang na gumugising lang sa araw-araw para magselfie. Ganun yun eh.

Bigla naman bumukas ang pinto ng kwarto ko... 

"Happy birthday to you.... Happy birthday to you.... Happy birthday,  Happy birthday.. Happy birthday to you.." kanta nila Manang Fe, Si Ate Karen Si Kuya Fred.. at ilan pang mga katulong namin ... tapos... syempre si Marga. Hawak ang isang cute little cake na may angel design pa...

Huh?

Nangaasar lang?

"Goodmorning Carmela. Happy Birthday.." sabi ni Mrs. Marga tapos binaba yung cake sa table at niyakap ako..... NIYAKAP AKO?? For real... masarap pa lang mayakap ng ... ng ano.... ng ... sige na nga .... ng nanay.. aarte pa ba ko nayakap na nya ako.

"Ok.. sige na Mrs. Marga ok na... baka maiyak ka pa dyan." sabi ko sa kanya habang tinatanggal ang kamay nya sa pagkakayakap sa akin. Napangiti naman sya sa akin.

 Ayos na din buo silang nasa kwarto ko. Eto pamilya ko.. si Manang Fe tapos yung mga kasambahay namin na walang sawang naglilingkod sa amin ng tapat isama mo na si Ate Karen na para ko na ding tunay na matandang kapatid dito sa bahay... tapos syempre si Kuya Fred na parang tatay na rin sa akin. Tapos si Mrs. Marga ko... naks.... oo, syempre kahit papaano naman malaki din ang utang na loob ko dyan kung hindi ako nilabas nyan walang katulad ko sa mundo noh. SI Mr. James? Naku wag nyo ng inaasahan yon..... Busy yun sa mga kinacareer nya.. Dun yun nageexcel kaya pabayaan na natin.

"James texted, he's greeting you. Hindi mo daw sinasagot ang phone mo." sabi ni Mrs. Marga.

Hindi ko talaga sinasagot noh, aanhin ko naman ang bati nya. Tsaka automatic na yun no... alam ko na rin naman na babatiin lang din naman nya ako, natural eh birthday ko.

Perks of Being a Cold FishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon