4: Icy much

1.4K 35 2
                                    

“The perimeter of a geometrical figure is the complete distance around that figure.”

Oh tapos?

Nababagot ako! Actually isang linggo na akong nabagot nakaone week na simula nung magstart yung classes at eto nanaman po....

Ice! Tingin sa taas... Tingin sa baba... tingin sa kaliwa, Oi si Gian. Tingin sa kanan, Oi Pader. Tingin sa unahan, yown! Si Mary, kumakaripas nanaman sa pagsulat akala mo naman maaagawan ng rank nyang SECOND HONOR.. at akala nya siguro makakaungos sya sa napakagaling na first honor. Kilala nyo nanaman kung sino yun eh. Yours truly.

Goal nya ang malampasan ako.... Ba’t di kaya nya muna igoal ang pantayan ako. Ambisyosa!!

Sampalin ko sya ng compass needle!

“To find the perimeter, simply add up the lengths of the figure's sides. Example: What is the perimeter of a rectangle that measures 3 inches by 8 inches?” tanong ni Miss Buillon. Arte ng apelyido ng geometry teacher ko no, ang talas pa. Kasing talas ng tabas ng kilay nyang tinalo pa ang aristokratang kilay ni Mrs.Marga. ; )

Ano yung tanong? Ahhhhhh...... Find the perimeter ng rectangle na may sukat na 3” x 8”. Edi 22!!! Jusko napakaobvious!!!

Tumaas na ng kamay ang hampaslupang si Nolan... “11 po ma’am.” Sagot nya with confidence..

ELEVEN???? An tanga!!! AN Tanga.. An tanga!!! Napakatanga!!

Baket? Ilan ba ang sides ng rectangle?  Ganito? |____   

Dalawang sides lang? Isang gilid tapos isang baba? Isang 3 isang 8 equals 11? Bobo eh!

‘Are you really sure Nolan?” tanong ni Miss.

“Yes Miss.”

Wow! Confident talaga ang gago.. Kaasar no, lusaw na ata sa eskinol ang utak nito eh.

“Other answers?”

Hindi ko na napigil ang sarili ko kaya sinabi ko na ng wala ng tayo tayo pa... “TWENTY TWO!!!”

“Yes Ms. Evangelista?” tawag sa kin ni Miss Buillon.

“22!” sabay upo.

“Why do you say so?”

Natural eh iyon talaga eh! Haaaay!!!

Tumayo ako ulit...

“Since a rectangle has four sides, and its parallel sides are equal in length, this rectangle must have two sides that are each 3 inches in length, and two sides that are each 8 inches in length. The sum of the lengths is 3 + 3 + 8 + 8 = 22. Therefore, the perimeter of the rectangle is 22 inches.” Tapos, umupo na ako.

“Well said...Okay, The correct answer is 22.”

Oh di ba! 

Napatingin naman si seat mate sa akin... Hanga ka noh!!! Di mo naman naintindihan yung pinagsasabi ko. Tapos pustahan natoxic na yun si Mary.. todo buklat na ng book... wala naman kaya yun sa book. 1 down!

“Ano nga uli yung sabi mo? “ bulong ni Gian sa akin.

Sa dami papaulitin nya pa sa akin?? ABA!!!

“Basta 22 sagot!”

“Aaaaahhhhhhh...... ok”

Kainis naman eh.... nakakakonsensya namang hindi sabihin! Pagkatanong ng sagot aaaaah? Hindi naman naintindihan kung papano?

Perks of Being a Cold FishOnde histórias criam vida. Descubra agora