20: Saturday Icing!

1K 20 7
                                    

(BRY's POV)

Mayonaise... Mayonaise... Mayonaise... Nasan na ba kasi yung mayonaise, kabadtrip naman talaga itong si Mama eh. Sinama-sama pa ako sa pagogrocery eh. Nakakabwisit naman talaga!! ANg so gay kaya ng kalalaki mong tao kasama ka ng nanay mo namimili. Ano ko grade 3??

Sana nagtulug-tulugan na lag ako oh.... o kaya, nagpunta na lang ako kila Cloyd! Asar.. Tapos ngayon Pahihirapan nya akong maghanap ng Mayonaise? Malay ko naman kung san lupalop ng supermarket na to naron yung Mayonaise. Aiiiiiissshh.. Kainis na!

"Hoy Hampaslupa!"

Anong hampaslupa... Sinong Hampaslupa.... Takte hanggang dito ba naman naririnig ko ang kaluluwa ng Ice na yun? Hanggang sa Mayonnaise adventure ko sinasabihan pa rin nya akong hampaslupa! AY talaga naman po oh! Hindi ko na lang pinansin yung mga naririnig kong kakaiba.. tutal wala naman yun.

Ngaderetso na ako sa paglakad kasama yung bitbit kong basket.. Kainis mukha akong tanga siguro pinagtitinginan ako ng mga tao. Masama na bang humawak ng basket sa pamimili ngayon? 

"Hoy!!! Giang Hampaslupa!!! Loko ka ah.. ba't di mo ko nililingon!' sabi ng isang pamilyar na tinig at talagang binatukan pa ako....

0_0 teka!!

Lumingon ako.

Aba!!!

May isang magandang dilag na nakafloral dress sa harap ko.. tiningnan ko mula paa hanggang ........

......

"ICE?"

"Oh ano! Para ka dyang nakakita ng multo!"

"Nandito k-ka.."

"HIndi wala!!! Kaluluwa lang ako!! Leche ka, ba't di mo ko pinapansin ha! Anong ginagawa mo dito... at ba't may dala ka pang basket ha? Ang cute mo tingnan! ;))"

Aiiisssshh.. kainis nakakaturn off naman ang itsura ko siguro ngayon oh. Ba't naman sa dinami daming taong makikita ko eh si Ice pa. Sayang naman ang super mega gwapong gwapong porma ko ngayon tapos nasira lang ng basket?

"HUY!! ANO TITITIGAN MO NA LANG BA AKO??" sabay kaway sa may mukha ko.. 

"ahh Hehe, namimili kami ni Mama eh."

"Ahhhhhh.... o nasan mama mo?"

"Nag-iikot eh. Pinapahanap lang ako ng Mayonaise.. Di ko makita."

Binatukan nanaman nya ako. Aba'y adik talaga tong babaeng io eh... bigla bigla na lang nananakit pasalamat sya gusto ko sya kung hindi isusumbong ko na ito kay mama... Hahaha, hindi joke lang baka sabihin nyo naman Mama's Boy ako.

"Ba't ka ba namababatok nanaman? Inaano ba kita?" reklamo ko sa kanya.

"Eh ang tanga mo lang eh... Tingnan mo nga kung nasaang section ka ng supermarket na to?"

Tiningnan ko naman ang nasa paligid ko at yung mga karatula sa taas... DETERGENTS and SOAPS. -_- Ah hehe... 

"ah oo nga no.. Ganun ba yun?"

"Utak isda ka talaga... halika hahanap tayo ng Mayonaise." Sabay hila nya sa braso ko.. ;) Di ba ang cute cute nya mukha syang sisimba? Nakatirintas pa yung buhok nyang mahaba. Para syang si Pocahontas tapos ako si Hercules... hahahaha... oh baket wag kayong makelam sa matching. Basta ganun din yun!!

 Nagpunta kami kung san naron ang mga Mayonnaise.

"Ice, sino kasama mo?"

"Si Fe." sagot nya sa akin

Perks of Being a Cold FishWhere stories live. Discover now