38: Initial Face off

929 37 27
                                    

Ice’s POV

“Wait... What??? You mean ngayon?? As in ngayon talaga?” singhal ko sa telepono ng tumawag ang hampaslupa kong boyfriend at iniimbitahana ako sa kanina pala sa isang munting salo-salo para sa kaarawan ng kanyang ina.

Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa buong buhay ko. Ewan ko ba. Kung pakapalan lang naman ng mukha, ay panalo ko dun panigurado pero sa ngayon ewan ko ba. Kilala ko nanaman ang mama nya, nakakain na rin naman ako kasabay ng mga magulang nya. Pero ngayon parang iba na kasi eh...... Yun bang may something na kasi... Girlfriend na ako ng hampaslupang anak nila ngayon. Ano bang gagawin ko?

Magregalo? Dapat nga siguro magregalo ako..... ano kaya? Kotse siguro mga 2 magkaibang kulay na Chrome Bugatti o kaya Alahas.... Pero para namang napakaO.A na nun.. Talagang napakaO.A nun parang bumibili ako ng buhay.. Damit kaya? Eh paano kun hindi sya mahilig sa ganun at hindi ko rin naman alam ang mga hilig ng nanay ni Gian. Kakabanas namang mag-isip.

Bumaba na ako ng Mansion.... *_* (Ang yaman talaga namin.. hehe)

Nakita ko si Mrs. Marga, este, si Mama pala sa baba. Busy may tinatype na kung anik-anik sa kanyang laptop.. kung ano man yun, wala akong pakialam at alam ko namang tungkol yun sa pera, sa multibilyong mga pera.

‘Ma!’ tawag ko sa kanya.

Agad naman itong tumingin sa direksyon ko.

‘What’s wrong?’

‘I just wanna ask something.’

‘What is it?’

‘It’s Gian’s mom’s birthday... and I don’t know what to do.”

‘You should bring something.’

‘Like?’

‘Food? Or something Material thing that she can use.”

‘Eh ano nga eh... ayaw pa naman nitong tumbukin eh hirap na hirap na nga ako... ano ba namang klaseng nanay yung pinahihirapan ang anak na mag-isip!!”

Natawa naman sya sa reklamo ko.

‘Bring her a cake, end of discussion.’

‘Nasan ang pambili.’

‘Wala ka bang pera?’

‘Wala.. hihingi ba ako kung meron.’

‘I doubt it Carmela.’

Perks of Being a Cold FishOnde histórias criam vida. Descubra agora