9: Just the way you are

1.3K 22 3
                                    

(Bry’s POV)

Geometry... Chemistry... World History...Noli... English....Religion....Whoooooooohhh TAMA NA!!! Sasabog na utak ko!!! Napatungo na lang ako sa arm chair ko sa sobrang bigat ng ulo ko at sandaling pumikit muna... I need a break!!

May naramdaman akong dumutdot ng ulo ko. “Hoy!!” Tawag pa nito! Ano ba! Namamahinga ako!

“Hoy!”

“HOY GIAN!!! ANO BA! Andyan na sabi si Miss Cadag eh! Makita ka pa nyan na nakaganyan patay ka dun.”

Tsk.. si Ice nanaman! Nung tumunghay ako ayun na nga si Cadag sa harap. Mukha nanamang leon. Tama na, ayoko na mag-aral gusto ko na umuwi. Bakit sa Queen Anne sa dati kong school hindi naman ako napapagod ng ganto!!

“Ano bang gagawin na ngayon?” tanong ko kay Ice

Ewan ko, ako ba si Cadag?”

“Wooo... wala na akong tamang narinig sayo!!”

“Homeroom class di ba!!”

“Pwede na sigurong umuwi no?”

“ NO ONE is permitted to leave homeroom unless directed by Miss Cadag. Rules is Rules.”

“Eh ba’t ikaw nun?”

“Well.....”

Whooo nakakainis naman oh. Gusto ko na umuwi at makapiling si Fina! Maya-maya may isinulat si Miss Cadag sa board. ------ CYBER CRIME LAW------

(“>)

Napatingin naman ako kay Ice... napatingin din naman sya sa kin.

“Anong nginingiti ngiti mo dyan ha?”

“Wala.”

“Isampal ko sayo yang Cybercrime law na yan eh... akala mo naman matatakot ako dyan.”

“Oh baket, may sinabi ba ako?”

“Hoy Hampaslupa! Itsura mong yan.. alam ko na tinutumbok mo tigilan mo nga ako!!”

Natawa na lang ako kasi halata naman syang natamaan sya dun.. wala pa tinatamaan na sya.. Patay ka sa kin ngayon Evangelista.. Matutunaw ka ngayon!

Okay Class what is Cyber Crime Law?” Tanong ni Miss Cadag.

Tweet... tweet!!

Perks of Being a Cold FishWhere stories live. Discover now