18: And your gonna hear me roar!!

1.1K 25 2
                                    

(ICE's POV)

"Listen Carmela, You're not in a competition with anybody but yourself..... your goal is to beat your last performance and remember to play to win, not 'not to lose. Understood?"

"Kdot!" sagot ko sa matalinghagang pahuling salita ni Mrs. Marga bago pa ako umalis ng bahay kanina. 

Nga pala ngayon ang laban ko sa Chemistry Quiz bee. Natapos na ng matiwasay ang aking 1st monthly exam last week tapos ngayon eto nanaman po ako at haharap nanaman sa isang matinding labanan ng mga utak. Utak ba? Hahahahaha..... wala na po akong sinabi baka sabihin nyo nanaman ang yabang ko. Wala lang.

Kasama ko ngayon ang matink kong coach na si Miss Cadag. Grabe kaya yang taong yan kung i-train ako... Palalabasan na ata utak ko sa daming gustong isiksik sa kokote ko. Mula history ng hampaslupang Chemistry hanggang sa madudugong formulas ng chemistry.. Aiiii... Gabi-gabi pa nyan ako tinetext na mag-aral ako. Nakakaiyak na nga eh. Tapos eto pa sa kanan ko, may pagsama pa itong si Principal Sausage... Ahh hindi si Principal Sozed pala. Umaarangkada ang kanyang nagmamataray na kilay sa harap ng madla... Para rin itong si Mrs. Marga eh kung makapanakot nga to sa mga estudyante ng St. Martin eh.

Ang dami daming tao. Different students from different schools. 

And dun sa bandang kaliwa malapit sa may stage naron nakita ko na ang flag ng Queen Anne Academy. Naron kaya yung Lindsay Cristobal na napipisil pisil nilang makakalaban ko? Nasan kaya yung hampaslupang Tams na yun? 

"Ice, tandaan mo lang lahat ng inaral natin and don't go beyond that. I know you can do this." bulong sa akin ni Principal.Nginitian ko lang sya.. Oh di ba. Lakas makaconfident nung ngiting yun, pero sa totoo lang kabado ako. My heart is skipping a beat at nagkakaron na ata ng conduction malfunction ang puso ko. ENEBE!! 

Tinitingnan ko yung ibang schools, tinitingnan ko actually yung mga itsura ng kalaban ko. Yung iba... napakakapal ng salamin, henyong henyo ang dating. Sus tanggalin ko kaya yang hampaslupang salamin nyang yun... talo yun kasi wala syang makikita.. Hahahaha, BAD! 

Yung isa naman, aba... may hawak pang makapal na libro at talagang tinetreasure ang mga nalalabing oras bago ang laban.. SApatusin ko kaya sya, akala naman nya papasok pa yun sa kokote nya. 

Karamihan nakasalamin.... Karamihan bait-baitan ang mga itsura.. Sila ba talaga ang mga makakalaban ko? Okay. May Chance.

Tapos tiningnan ko yung bandang pwesto ng Queen Anne Academy, may babae dun. She's pretty enough..... maya-maya tumayo yung babaeng yun kasama ang coach nya. Mukhang papalapit ata sa amin.... 

"Hello Miss Cadag and Mrs. Sozed." bati ng teacher na kasama ni girl. She's standing in front of us. Pagkakataon ko ng tingnan ang ID nya saktong sakto naman at nakaharap na sa akin. 'LINDSAY CRISTOBAL.' Boom! Huli ka girl! So ikaw nga yun... Well. Okay. 

Pretty enough. SO sya pala ang bestfriend ni Gian. Hmmmfff... SIguro ginoodluck goodluck na nya tong babaeng ito. Bakit, tinext din naman ako ni Gian nung umaga ah... 4:12am pa nga eh with matching 3 miss calls pa. Adik talaga yung hampaslupang yun.

Ipinakilala kami sa isa't isa ng mga teachers namin. Ngumiti naman sya sa akin, binalikan ko din naman ng isang matipid na ngiti sya. Mahal ang ngiti ko no! Feeling nya naman. Mukha syang mabait nga, sabi nga ni Annie Mabait nga daw sya. Oh eh anong gagawin ko..... Eh Santa Santita ako. Ganun talaga, we're far different from each other, so what!

Maya-maya nagbuzz na at nagsalita na yung emcee. Pinapunta na kaming mga contestants sa harap. Grabe ang daming schools, mapansin pa kaya si St. Martin? . . . . . . .. . . . . Aba syempre... Kailangan ako ang magshine. Hahaha.... parang kakanta lang. At nga pala kailangan kong gandahan ang sulat ko dito sa pinakamalinaw na paraang kaya ko. Kainis naman kasi eh, ba't kasi ang panget ko magsulat para akong hindi babae.

Perks of Being a Cold FishDonde viven las historias. Descúbrelo ahora