16: I can see it through your eyes, Ice.

1.1K 20 1
                                    

(Ice's POV)

It's past 7:00 pm. Ang tagal pala namin ni Gian sa Mcdo, akalain mo yun. Ang tagal din naghintay ni Kuya Fred sa labas. Malapit na kami sa bahay nang mapansin kong parang...........

"Kuya Fred, bat parang ang liwa-liwanag sa may aten, may patay ba?"

"Patay ka dyan! Dumating na kaya ang Ma..."

"Ahhhh dumating na ba si Mrs. Marga, Okay. Akala ko may patay eh. Sus, dumating lang sya kailangan ganun ang ilaw sa labas... Hindi ba nya alam na mahal sa kuryente yun? Iisa-isa lang naman syang tao dapat nagflash light na lang sya!" Litanya ko kay Kuya Fred. Napailing na lang ito sa akin. Tapos pagtapat sa aming TARANGKAHAN, malaki eh.. Ipinasok na ang sasakyan.

Bumaba na ako at pumasok na sa loob. Mukhang dumating na nga si Mrs. Marga, damang dama ko na ang presensya nya sa pamamahay namin. Makikita ko nanaman ang aristokratang kilay nya. Namiss ko yun ng very light ah..

Pagpasok ko sa aming Main House.. May malaking box dun. Dahil may pagkausisera ako nilapitan ko na ang malaking box na yun. Tiningnan ko kung anong laman. Mga damit lang palang bago at mga bagong sapatos... sus akala ko naman ....... namili nanaman ito ng bongga sa Macau. Arte much. Matutuwa pa ako kung relief ito para sa mga nangangailangan eh. Naku Mrs. Marga!!

"Oh Onay. Nakauwi ka na pala, bakit ginabi ka nga pala kanina ka pa iniintay ni Ma'am Marga at ni Sir James."

"At bakit daw ho?"

"Aba'y ewan ko, siguro gusto ka nilang makasabay sa hapag ngayon. Minsan lang naman ito kaya sige na pagbigyan mo na sila hija."

Sus... Ba't naman kaya narito si Jaime!! Makikikain lang naman! Pumunta na lang ako sa kusina para harapin yung dalawang pinaghihintay ko.

"You're late, Carmela. Let's Eat." pambungad ni Mrs. Marga sa akin.

"Busog ako. Kayo na lang."

"And where have you been. Di ba dapat mga 5:30 nakauwi ka na. What took you so long?" Usisa pa ni Mrs Marga.

 "aaaaaahhhhh...... wala!" sabi ko sa kanya kahit meron naman talaga.

"SO how's Mcdonalds?" usisa pa nya sa akin. Halos manlaki naman ang mata ko sa mga sinasabi nya. Anong alam nitong babaeng ito! Eh ano kung magmcdo ako masama na ba yun sa panahon ngayon?

"WALA!!!! EDI KUMAEN!!!! MASAMA NA BA NGAYON KUMAIN??" angil ko sa kanya pero alam natatawa tawa lang sya akin.. Kainis!

"Fine. Calm down, Carmela. I'm just asking.. So is he......"

"OF COURSE NOT!!!!!!! HE'S NOT MY BOYFRIEND!!!!" tutol ko sa kanya with mega feelings.

"I didn't say that. You're so defensive."

"NO I"M NOT DEFENSIVE!!!" Singhal ko pa rin sa kanya.

"Carmela, Stop it." Pigil sa akin ni Mr. James. 

Hinila ko na lang yung upuan at pumwesto na. Nilagyan ko ng kanin yung plato ko at binuhusan ng ulam.

"Akala ko ba hindi ka kakain dahil busog ka?" usisa pa ni Mr. James

"Akala ko nga rin eh, Kumain ka na dyan."

"Ikaw talagang bata ka. Nakikipagdate ka na pala."

Perks of Being a Cold FishWhere stories live. Discover now