6: When the Ice Melts

1.3K 28 5
                                    

(Ice POV)

No more lives torn apart

That wars would never start

And time would heal all hearts

And everyone would have a friend

And right would always win

And love would never end, oh

This is my grown up christmas list

This is my only life long wish

This is my grown up christmas list..

Hindi ako yung nakanta ahh.. si Kelly Clarkson yun. Ganda ng boses nya no. Ako? Nakupo!! Wag nyo ng tanungin pang lip sing lang talaga ako. : (

Kauuwi ko lang, napagod pa ko dahil cleaners ako kanina sa school. Actually yung bibig ko yung pinakanapagod dahil sa walang kakwenta kwentang paglilinis nung mga kagroup kong cleaners. Magwawalis lang patanga-tanga pa. Magpupunas lang may natitira pa. Uminit nanaman ang dugo ko kanina eh.

Haaaaaaaayyyy Buhay.

“Onay kain na.” Tawag sa akin ni Manang Fe. Dinner is Ready.

Himala narito na pala si Mrs. Marga. Ano naman kaya ang nakain nito at maaga sya?

Pumunta na ako sa hapaaaaaaag.... Ang haba eh. Mayaman nga eh, 22 seater lang naman. Si Mrs. Marga dun sa kabisera tas dun ako sa gilid nya. Si Manang Fe at si Ate Karen pinaupo na din ni Mrs. Marga para kumain.

Ang ulam, Kung Pao Chicken with Chinese style Broccoli Salad. Oh di ba SOSYAL! Sabi ni Mrs. Marga kailangan lahat ng kinakain ko ay balanced.

TEKA NGA!!

Bat yung kanya..

‘Ano yan Mrs. Marga, bat puro damo. Walang kanin?”

“It’s not damo. It’s veggies.”

“Baket yan lang ang pagkain mo? Akala ko ba dapat laging balanced?”

“I’m under a 7 day detox plan.  I have to go on a diet because I've been putting on a little weight lately.”

“Aaaaaahhhhh, so diet ka pala ngayon.” SOSYAL.. akala ko yung detox sa mukha lang yun. “Eh ano namang tawag dyan sa diet na yan?”

“Lacto-Ovo Diet.”

WEW! LACTOW-OVOW Diet.... Sosyal talaga. Kasing sosyal ng kilay nya. ;)

Hindi ko na sya tinanong kasi nagutom na talaga ako. Wala na akong pakealam kung anong klaseng kain na ginagawa ko.. hindi rin naman ako pinapakealaman ni Mrs. Marga... Hindi ko naman pinakealaman na ang napakasosyal nyang pagkain nung mga damo nya ah.

Nung matapos ko na yung main dish ko,

“Bakit nga pala late ka na nakauwi?” tanong ni Manang Fe sa akin.

Para nanamang bumigat ang pakiramdam ko. Naalala ko nanaman kung bakit late ako nakauwi ngayon.

“Kasi kanina, may nadaanan kami ni Kuya Fred na matandang babae nung magdrive thru kami sa Mcdo.”

“Oh tapos?”

“Tapos, ayun nilapitan ko. Tinanong ko kung bakit sya nadun sa labas ng Mcdo at ayaw nya pumasok. Yun pala nanghihingi lang ng limos dun sa mga nalabas na tao. Eh yung ibang mga tao hindi man lang nililingon. Nakakaawa kaya. Edi pinakain muna namin ni Kuya Fred sa loob. Tapos ayun nga, tinanong ko kung taga san sya. Sto. Domingo daw, malay ko naman kung sang parte ng Pinas yun. Eh hindi naman nya talaga alam yung exact place nya. At eto pa ha, na lalong ikinasama ng loob ko.......... Iniwan sya dun ng asawa ng anak nya ang sabi babalikan sya. . . . . . (sniff. Shet eto na ang luha kong kanina ko pa pinipigil). . . . T-tapos yun nga. .  . (Naiiyak na talaga ako.). . . . . . (Pause muna... ilalabas ko lang to ng kaunti. Umiyak na ako.). . . . . . . . T-Tapos yun nga s-sabi sa kanya.. . . B-balikan daw sya dun. . . Tapos hanggang mag-gabi wala namang bumalik. . . .. . . EH. . . . Eh gutom na gutom na daw syaaaaaaa. . . . .(napahagulgol naman ako ng iyak lalo.)

Perks of Being a Cold FishWhere stories live. Discover now