21: Birthday bash part 1

1.1K 21 5
                                    

(ICE's POV)

'Mrs. Marga makikipagbertdeyan aq sa Klasm8 q ah. Malel8 aq umuwi, wg kang Ano DYan. ' 

Message SENT!

Okay, sasama ako sa mga hampaslupa mamaya sa Birthday ni Gian. Nakakaawa naman kung hindi matuloy ang birthday nya di ba, kasi sabi nya sa akin nung magkasama kami last Saturday, hindi daw matutuloy ang party nya pag wala ako. Ang tanga naman nya. Hahahaha.... Gusto ko rin naman syempre no.

Hindi si Gian ah..

Gusto ko makita yung hampaslupang orange na goldfish na si Fina, gusto ko makita si Kokoy kung malaki na. Gusto ko makita kung anong klaseng bahay yung tinutuluyan nya....... Gusto ko lang sya makilala....

OO.. Kasi gusto ko lang. Ba't ba kayo!!! 

"Ano Ice, sama ka?" Tanong ni Cindy sa akin.

"Oo naman alis na alis na nga ako eh.." Loko ko sa kanya. BIhira lang kasi ako sumama sa mga gantong lakaran ng mga kaklase ko. Kasi alam nyo na, hindi ko sila ka close eh. Hampaslupa ba naman sila eh. O ngayon, Tiis tiis muna.. Reach out, Reach out din pag may time.

Alas kwatro pa lang naman ng hapon eh... Si Gian, naghalf day lang umuwi na sya kaninang lunch. Excited na excited eh.. Bago umuwi, sinabihan nya pa ako para sa huling pagkakataon na magshow up ako dun sa birthday nya.

"Hoy Ice!" tawag sa akin ng taong Tigyawat.... Si Nolan.

"OH ANO!!!"

"Nagtext si Bry ang kulet!! Pilitin ka daw naming sumama... Kaya sumama ka na!!!" Tamo tong hampaslupang ito!!! Taas ng tono sa akin. Kaya hindi magkasundo ng ulupong na ito eh. Baka tirisin ko tigyawat nito eh!

"Wag kang sumama, sasama ako!" pabalang kong sagot sa kanya.

"Ahhh Talaga namang....." asar na asar sya grabe. Buti napigilan lang nila Carl, susugurin nanaman ako. Hampaslupang to!! Akala nya ba uurungan ko sya! Excuse me nga! 

"Ice sumama ka nanaman please, wag mo na lang pansinin itong si Nolan.. Minsan ka lang namin makasama eh." nagmamakaawang sabi ni Liam sa akin

Huh?? May panglalansing ganun na ngayon tong si Liam. Hahahaha.... Sipain ko to eh. Actually may itsura naman to si Liam eh.. Kaso, oh anong gagawin ko? 

"Okay. Basta pakibulsa nyang mukha ni Nolan!" sabi ko sa kanila... hahaha... nanggagalaiti naman si Nolan and his tigyawat friends sa akin. SAbog nanaman sya sa akin. SArap kaya nyang inisin, pero nakakainis naman talaga sya eh.

Halos magpalakpakan naman ang mga hampaslupa ng mapapayag ako ni Liam sumama... Gago di ba! Lalakas ng trip eh. 

NUng mag 5:30 na.. Naglabasan na kaming lahat na nasa Section St. Elmo. Grabe ang dami namin at for the record, ngayon ko lang mga nakasabay sa paglalakad ang mga hampaslupang ito palabas ng Kanto. Ang saya naman pala.. Walang patumanggang asaran ang mga hampaslupa... Asaran ng asaran sa isa't isa... pare-pareho lang namang hampaslupa. Si Shine todo pabango nanaman sa daan nung kanyang Victoria Secret....

"Hoy Shine, tigil tigilan mo yang pagpapabango mo.. Itatapon ko yang Victoria Secret na yan sa daan. ANg baho baho eh.." Sita ko sa kanya. Inis na inis naman nyang itinago ang pabangong yon. Yung mga ibang kaklase ko naman nakikiudyok naman lalo.... Ang baho naman talaga eh, hilong hilo ako sa amoy na yun eh.

Yung iba todo make up pa sa daan.. Masarap mabangga ito ng tricycle eh.

Yung magjojowa kong kaklase.. ayun nagsariling mundo na.. HHWW pa (Holding Hands While Walking) . . . . Hinid ko na pinagkalas muna, maghihiwalay din naman yang mga yan eh.

Perks of Being a Cold FishWhere stories live. Discover now