35: Give Love: Happy Birthday Part 2

935 24 3
                                    

(Ice's POV)

You make me smile for no reason.

You make me laugh at unfunny things,

but most of all, you make me love you when I shouldn't be loving you.

I don't know what to think now.... Para akong nalulunod sa isang baldeng tubig na kahit kaya ko naman makawala.. wala na akong magagawa dahil hulog na ako, basa pa. Kung bibigyan ko ba ng pagkakataon ang mga bagay-bagay na papasukin sa mundo ko, may mangyayari bang mas maganda? Natatakot ako, oo. Natural lang naman siguro to pero alam ko kung anong gusto ko...... kung SINO ang gusto ko.

Biglang tinapik ni Mr. Marga ang balikat ko habang pinapanood lang ang mga kaklase ko na enjoy na enjoy ang mini party kong ito kasama ang mga bata sa bahay ampunan. "You know what Life is too short to worry about stupid things. Have fun, fall in love, and regret nothing. Wala naman masama kung magbigay ka ng chance sa ibang tao. Do what makes you happy, be with someone who makes you smile."

"What are you talking about Mrs. Marga."

"I know what inside your heart and your mind... pinipigilan mo lang kasi gusto mong patunayan sa sarili mo na matibay ka.. Pero anak, hinding hindi mo yan mapipigil.... ayokong magsisi ka."

"Pero kasi... ayokong...."

"Ayaw mo matulad sa akin, right?, Anak hindi lahat ng bagay ay pareho.. at hindi mo malalaman ang pagkakaiba kung hindi mo susubukan."

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang usapan naming ito ni Mr. Marga... wala man syang binabanggit na pangalan alam ko kung sino ang tinutukoy nya... si Gian.

"Mabait na bata sya.. and I'm sure he'll take care of you."

"Mrs. Marga.. pwede ba akong magtanong?"

Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nagkanda leche-leche ang pamilya ko. Bakit wala akong tatay.... I mean yung literal na tatay? Bakit wala akong masayang pamilya tulad ng isang tipikal na bata? Bakit kailangan ko pang maghanap ng kalinga ng ibang tao? Bakit taken for granted lang ako? Hindi ko maintindihan? Sa pananaw ko sa loob ng labinglimang taon parang binuhay lang ako, pinapakain... dinadamitan... pinag-aaral... binibigyan ng pera na higit pa sa kailangan ko, pero hindi ko na nararamdaman na may pakealam ang mga taong dapat mangealam sa buhay ko.. Kada taon na lilipas isa lang ang una at natatanging hiling ko... MASAYANG PAMILYA... yung kasama ko na masayang kakain sa Jollibee.. Yun lang. Hindi ko pa nararanasan yun at natatakot akong hindi ko na maranasan yun.

"What is it?"

"You know what I'm wishing for every birthday.. alam kong alam mo yun. Alam kong hindi ko rin kayang ipilit sayo.. Pero is there a chance pa ba na mabuo tayo? Mahirap ba talaga buuin yun?"

Natahimik bigla si Mrs. Marga. Wala pa akong tinanong sa kanya na hindi sya sumagot... kaya alam kong sasagutin nya ang bagay na to.

"Carmela, you've been so priceless to me. Sana alam mo yon. You really deserve a real happy family kasi isa kang mabuting anak. Don't ever think that you're just an option... na you're just an output para lang sa mana namin ng dad mo. Of course not... I love you so much and I know your dad loves you too.. Absence doesn't prove na hindi ka mahal ng isang tao.. Mahal ka namin ng Dad mo."

"Mrs. Marga, nasasaktan ka ba kapag iniisip mong mas masaya sya sa iba kesa sa ating dalawa?"

"Of course I do. Alam mong hindi ako ipokrita para sabihing hindi. Pero wag na wag mong iisiping he doesn't deservem to be loved by us."

Perks of Being a Cold FishWhere stories live. Discover now