5: Gian BryZone

1.4K 32 1
                                    

(Bry’s POV)

Ang CRUSH parang Geometry Problem lang yan, kung hindi mo makuha.....TITIGAN MO NA LANG.

Oh mahabaging perimeter magpakabuti ka naman, pleeeeeaaase.

Isa pa...

Aaaaaahhhhh... suko na ko!!!

Sinarado ko na yung notebook, wala na talaga akong mapiga. Natatanga na talaga ata ako dahil sa sobrang panananga siguro ng seatmate ko. Naku ICE!! Sarap mong tunawin. Kung hindi lang..... wag na nga.

Kilala nyo ba ko?

I’m Bry... yung cute daw, yung crush daw nila, yung may cute daw na smile.... yung sabi ni Ice kanina. Ah hindi pala, sabi pala yun nung iba. Inulit lang nga pala nya. Sige na nga. Pero sabihin na nating siya ang nagsabi nun.... Mas masarap pakinggan.

Ang cute ni Bryson... Crush ko si Bryson...Ang cute ng smile ni Bryson. Tanggalin na natin yung kasunod na Haaaayyy... nakakaumay! Naku Gian, lahat na lang finiflirt mo. Ultimo first year.... try mo na rin yung mga pre-school minsan.Oh di ba walang preno bunganga.... Sabagay, hinding hindi naman nya sasabihin yon. In the first place, hindi nya ako tinatawag ng Bryson. Eh halos buong mundo Bryson ang tawag sa akin o kaya Bry. Tapos sya talaga namang pinanindigan na yung GIAN! Sige na nga, may choice ba ko.

Ang tigas ng ulo nung babaeng yun talaga. Walang kasing TIGAS.

Ayun, nakaone week na ako sa St. Martin Academy hindi ko na naramdaman yung pagiging bago ko. Friendly ako eh.. bakit ba. Masama ba yun?

Dahilan kung bakit ako lumipat? Kasi daw nagloloko ako. Nadadalas kasi ang pag-uwi ko ng lasing, nahulihan pa ako ng nanay ko ng sigarilyong hindi naman talaga akin, napabaranggay kami ng mga barkada ko sa kabilang school dahil lang naman talaga yun sa pangangaroling, hindi naman talaga kami nanggugulo eh at ang pinakamalala kong offense kaya ako napalipat ng school? Nahuli akong may ka-make out, actually wala pa naman eh.... almost pa lang. Ayun, mabasag basag ang mukha ko sa tatay ko. Pinaliparan pa ako ng sampal ng besfriend ko. TAPOS, yun nga nailipat nga ng school. Ang hirap kaya.

Ayoko lumipat, kasi 3rd year na eh.. tsaka, maraming nalungkot sa pag-alis ko sa dati kong school. Ang buong section Faraday, ang mga tropa, especially si Tams. Haaaaaayyyyy, Sorry Tams.

TII-NIINT!! Tunog ng Laptop ko, may nagchat ata sa Facebook ko. Bigla tuloy akong bumalik sa realidad. Sino ba naman kasi to, gabing gabi na ginugulo pa ko. Di kasi nag-offline eh.

ICE messaged you. Nagbiblink pa dun sa isang tab.

O_O

WEH????

AS IN???

Dagli naman akong bumalikwas at inopen yung Facebook na tab.

ICE messaged you.

Perks of Being a Cold FishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon