24: Bry won't give up, Even if the Ice get rough

1.1K 23 3
                                    

(ICE's POV)

1. Chem. Experiment  - Briggs-Rauscher oscillating clock. 

2. 100 items na problem solving in Geometry:  Points, lines and Planes. 

3. English 500 word essay about My Ambition. 

4. Report in Noli Me Tangere.. Kabanata 11-13

5. Paper Mache making in T.L.E 

6. Long Quiz in Aralin Panglipunan + Recitation: Asian Countries with its capital, currencies and language.

7. Computer: Data Base Designing

8. Religion: Mass Preparation... kasi kami ang assigned section 

9. Values: BEHAVE!

Waaaaaaaaaahhhhhhh ang dami dami dami dami ko namang gagawin!!! Ayoko na mag-aral!! Nakakainis naman eh, bakit pinagsabay-sabay pa kasi nila lahat yan. Wala ba talaga silang awa sa estudyante. Katatapos nga lang ng toxic na toxic na Linggo ng Wika eh. Tapos papasukan nanaman ng September na may nakapilang gawain nanaman.. Tapos susundan nanaman ng exam...... Madugo nanaman.

Kung ako ngang matalino nahihirapan, yung mga hampaslupa pa kaya?

Naku!!!!

Ano ba naman itong buhay na napasok ko oh.

Halos gabihin na nga ako sa kagagawa ng Project kahapon sa Chemistry eh tapos eto nanaman.. Anong oras na nga ba akong natulog, parang past twelve na ata... Grabe, andami nanamang namatay na Red blood cell sa pagkakapuyat kong yun, kawawa naman sila. 

Wala man lang magawang inspirasyon dyan??

 Tingin sa taas..... Kisame!!!! Tingin sa baba..... Sahig.... Tingin sa kaliwa.... PAder..... Tingin sa Kanan... Haiiii.... Si Gian... (-_-ZzzZZZzzz. Yan ba ang sasabihin nyong gawing inspirasyon? Sa tingin nyo ba gaganahan kayong gumawa sa ganyang itsura? Lugmok na lugmok ngayon tong hampaslupang ito ah, mukhang napuyat din kagabi.

Haaaaay Buhay.. Bakit nga ba nauso pa ang school... 

What can I Possibly learn in school that I can teach myself??   -_____- Ang ending... Wala itatapon pa rin kami sa eskwelahan. Oops, dapat nga pala thankful pa rin akong nakakapag-aral. Sila Buknoy, Bing at Tenten nga eh gustong gustong mag-aral kaso walang pang-aral... Haaaaaaaiiii..... Kawawa naman sila. Pinagkkaitan sila ng mundo.

"ANong oras na?" biglang tanong ni Gian sa akin? Bagong gising pa ang walangya.

"Oras na para mamatay ka na.." biro ko sa kanya.

Kaso, ayun humiga nanaman sa armchair nya. At nagderetso na uli ng tulog. Basag ata talaga itong lalaking to, mukhang nananaginip lang ata. 

"Huy!! Gising na.." kulbit ko sa kanya... "Andyan na si Miss Cadag." kahit wala pa..

Grabe hindi ko sya mapuknat.. Bahala ka na nga dyang madatnan ni Cadag. Kayo na lang ang magharap mamaya.. 

"Guys may bago tayong kaklase!!!" Sigaw ng hampaslupang si Nolan papasok ng room.

"Sino naman? September na kaya.. Adik ka ba." Sabi ni Liam sa kanya.

"Kow, wag nyong pinagpapaniwalaan yang si Nolan, Sira ulo naman yan.." sabat ko sa kanila. hahaha... Ang sama nanaman ng tingin sa akin ni Nolan. Bleh Bleh! Sya ang favorite kong kaklase hindi ba nya matanggap yun?

"Wag kang epal Evangelista ah... baka hindi kita matantsa." Sagot sa akin ng galit na galit ng si Nolan

"Pake ko sayo! Kausapin mo na lang yang mga tigyawat mo!" sagot ko pero hindi na lang ako pinansin at tuloy kwento na lang sya sa iba pa na may bago nga daw kaming classmate.. Ba't naman kaya naisipan pa nong lumipat eh September na kung hindi ba naman adik at kalahati yun, kung sinuman yung bagong hampaslupang yon. Nacurious naman ako kaya nakichika naman ako kila Cindy.

Perks of Being a Cold FishWhere stories live. Discover now