22: Birthday bash Part 2

1.1K 21 2
                                    

Mabalik tayo! Eto na nanaman ako inis na inis... ewan ko ba kung bakit.. basta naiinis ako sa kacorny ng mga classmate ni Gian sa Queen Anne.. May paganun-ganun effect pa... SUs Sampalin ko kaya itong mga nag-iinasong to. Feeling ba nila sila lang ang bwisita?

Nabibwisit na ako... 

Tuloy nanaman sila ng kanta ng Happy BIrthday to you... 

Leche ang ingay na nila sa labas.

Maya-maya nagpasukan na sila Liam, Nolan, Carl, at si Mervic. Mukhang nA-OP sa labas kaya pumasok na lang at umupo sa may pwesto nila Rich.

"Ano Na-op kayo dun no." tanong ni Rich s mga ito.

"Medyo, parang sila lang tao dun eh... Hahaha.. ba't hindi man lang kasi tayo nagprepare para kay Bryson eh.. Wala man lang tayong surprise tulad ng mga classmate nya sa Queen Anne." Sabi naman ni Mervic

"Ayan naman si Ice eh. Hindi pa ba sorpresa yan eh, yan lang naman ang kasiyahan ni Bry kaya." Dagdag naman ng hampaslupang si Liam.

Nasamid tuloy ako pagkainom ko ng ice tea!!!

"Ano Ice okay ka lang?" tanong Ni Cindy habang para na akong mamamatay sa pagkakasamid ko.. Shet 7:32 na ba? Sabi ko nga pala kanina mamamatay na ako ng 7:32 kasi nakaupo na ako sa rocking chair.. Tiningnan ko ang orasan wala pa naman.

"Hayop ka Liam!!! B-bat naman ako napasali sa usapang yan! RIch pakihampas nga yan ng banga!!" uubo ubo pa ring sabi ko.

"Eh totoo naman ah." *Liam

Tumayo ako para abutin pa yung cake na kinuha pa ni Birthday Boy sa akin. PAke ko kung na-oop sila. Kakain ako! Hindi ko ikakabusog ang pagka-OP. Maya-maya lumapit si Nolan at sa may akin pero sumilip lang naman sa bintana.

"Ice.. Ice... tamo..." sabay kulbit sa akin at niyaya akong sumilip sa bintana para tingnan ang eksena sa labas... "May balloons pa no."

Ako naman oo ng oo kay Nolan.. "Putukin mo nga yung mga balloons na yan, para mas masaya. Tapos yung cake isaboy mo sa mukha nung babae."

Tawa naman si tanga.. "Sus, bakit naman.. naiinggit ka lang noh." sabi nya sa akin. "Bat kaya ganun no Ice, Bakit nga ba mahal natin yung mga tao na hindi naman tayo kayang mahalin?Nasaan ang hustisya?!" Sabi ng walangya... nang-iinis itong taong tigyawat na to.

"Hustisya? Hindi mo ba naitanong kung bakit ganyan ang mukha mo, tapos dun ka maghanap kung nasan ang hustisya?" Ganti ko sa kanya. Nanlaki naman ang mata nya at alam kong nagpipigil lang ito ng inis para wag sabihing pikon sya.

Yabang nito!! At anong mahal mahal ang sinasabi nya... Sino may sabing mahal ko yung hampaslupang Gian na yan... Nakibirthday lang naman ko MAHAL AGAD???? Hindi talaga nag-iisip si Nolan.

May naririnig narin akong Ayiiiiiiiiiiiieeeeeeeeeeeeeeehan sa labas ng mga Lapastangang taga-Queen Anne. Sumilip na din ako. Medyo tinulak ko ng bahagya si Nolan dahil ayoko syang makatabi! The Nerves!

At yun nga, pagsilip ko aba.. Si Lindsay na pafriendship may pagyakap pa kay birthday boy.. MALALANDI!!! Kainis! "Ang arte naman nya." biglang sabi ko kay Nolan.

"Bagay kaya sila." sagot naman ni Nolan Tigidigs.

"Sino naman may sabi sayo?? Hindi kaya."

"Basta! Mas bagay sila no, kasi masama ugali mo. Tamo oh ang sweet sweet nila.. may cake pang dala yung Tams nya, tapos ayun oh.... may candles pa... ang sweet no!"

Perks of Being a Cold FishWhere stories live. Discover now