36: One boy, one million feelings.

1K 35 13
                                    

(Ice's POV)

1 message received: From GIAN <3

'Good Morning Baby Girl. I love You.'

 Arrrrrrrhhhhhh.. kakainis naman yun oh. Aga-aga ang sarap magwala.  Ganto ba yung feeling, hahaha ng saya pala parang tangang hindi. Aysus. Kaswerte ko naman oh. Pero aminin nyo dyan, lalo na yung sa mga walang lovelife dyan na naiisip nyo to. How the fuck do some girls get boyfriends so easily di ba. Nakakainis na parang kakabreak lang kani-kanina may kalampungan na maya-maya. Ang kakati eh. Sarap hampasin ng mainit na teapot.

Oops nakalimutan ko na may nagtext nga pala sa akin.. Baka sabihin naman nya wala akong pakealam sa kanya, masumbatan pa ko.

'Good Morning, I Love You too.' hahahahahaha... Okay na ba yun? Nahihiya ako magsend eh. Di ako sanay baka pagtawanan nya ako.. Leche, ayoko ng mga gantong arte eh. Gusto ko yung mga punto por punto, yung rekta na.. yung mabilisan para di awkward.. Ok na nga sige na isesend ko na.

Message Sent.

Bigla naman nagpop-up ang FB chat ko.. sya pa rin.. ;)

GIAN: 'Ang sweet naman ng baby ko. if you only knew how much l think about you.'

ME: 'Charot ka!!!! Hampaslupa ka talaga! wag mo nga akong pinaloloko agang aga.. "

GIAN: ' Oh sige ganyanin mo ko agang aga!'

ME: 'So away to?"

GIAN: ' Ewan ko sayo, ikaw nagsisimula dyan eh!'

Aba talaga namang sumasagot na.. So ano to nagpapakilala na porke kami na? 

ME: ' Leche!'

GIAN: 'Haaiii.. Bahala ka na nga!' 

ME: 'You'll never find someone who loves you as much as I do.'

GIAN: 'Ok.'

ME: 'Are you mad?'

GIAN: ' mmmm...'

Leche!!

ME: 'Okay, Stay mad, because I don't give a fuck'

GIAN: 'Joke lang mahal na mahal na mahal kita.. Hindi ako galit... ;) I love you... I miss you see you later. Take ur breakfast na... :) Ako na yung hampaslupa ok, Tanggap ko na...'

ME: 'ok that's cute.. I love you too, see you later.. :))'

Ano yun? Binackread ko, ANg leche pala. ANg arte ko pakisampal ako please, that's so not me.. Paano ako nakipaglandian ng ganun.. hahaha.. Pero partida mas malala pa rin yung mga hampaslupa sa akin. Konting LQ tanggal bago agad relationship status, Single agad. Tapos pag nagkabalikan kinabukasan ibabalik uli ang in a relationship.. Haaaaay.  Nakakaumay. Tapos ano pa ba? Ahhh yung mga hampaslupang Alternate Name nila sa kanilang mga FB page yung mga pangalan ng jowa nila.. kasusot. Hinding hindi ko gagawin yun kay Gian no.. Bayaan mo nga sya... Ayoko rin ng naka-in a relationship to Gian Bryson Villania, mabalis pa at ikainggit pa ng iba dyan. WAG NA.

Ang sweet namin no, sa isang convo naron na lahat.. romance, action, comedy... all for one. Gusto kong maging maganda ang takbo ng relasyon namin... Seryosong Laro, Larong Seryoso.. Walang mga pangako, walang mga plano. I want a laid back, funny, shit talking, play fighting, type of relationship. Basta kung sugod lang ng sugod . . . . ayokong mapurnada sa huli. 

Nung una oh, todo pigil ako... Kaso pag pala nagmahal ka na mahirap na itigil... mahirap na pigilin. Kahit anong tibay ng loob mo at gaano pa kaadobe ang mukha mo, walang saysay yun sa lakas ng salitang pag-ibig.

Perks of Being a Cold FishWhere stories live. Discover now