10: Shabu Pa Ice!

1.2K 23 3
                                    

(Lindsay/ Tams POV)

“Oh Bes bakit?”, tanong sakin ni Liberty.

Anong sasabihin ko? Na binagsakan ako ng telepono ng isang mahaderang babaeng hindi ko kilala, gamit pa ang cellphone ng best friend ko? Sino ba sya!!!

“Wa...wala.. ah Eh busy lang daw si Bry kaya mamaya na lang, uwi na tayo.”, yakag ko sa kanya.

“Kala ko eh, bigla kasing nag-iba timpla mo dyan eh.”

“Hindi ah.”

“Oh sya, sya tara na. Intay na tayo ng jeep.”

Maya-maya may dumaan naman jeep at sumakay na kaming dalawa ng bff kong si Liberty. Hindi ko na ikinwento kay Liberty ang tunay na nangyari kasi magwawala to. Baka kung nalaman pa nya sugurin nito yung mahaderang yon pati si Bry, ayoko namang mangyari yun. Pero kung pamalditahan na lang din naman, talong talo yun dito kay Liberty.

“Sa tingin mo may natitipuhan na yun si Bry dun sa St. Martin dami kayang maganda dun, pero hindi subukan nya lang at uumbagan ko sya. Nag-usap na kaya kami nun na hindi sya pwedeng tumingin sa iba. Sayo lang.”

“Ano ka ba, Ba’t mo naman sinabi pa yun kay Bry.. Nakakahiya ka talaga.”

“Aba syempre no. Hindi sya pwedeng magtaksil sayo noh.’

“Ano ka ba Lierty hindi kami ni Bry, Magbestfriend lang kami nun.”

“BestFriend nga ba?”

Natahimik naman ako sa tanong nya, buti may mga sumakay pang iba sa jeep. Kung hindi, hindi ako tatantanan ng kaibigan kong ito.

Bestfriend nga ba?

*BbbbZZzzzz(Vibrate)

Phone ko yun. Tiningnan ko kung sino.... *Yabs ;) calling*...... Ni-reject ko yung call.....

*BbbbZZzzzz(Vibrate)

Ano ba!! Ba’t ba ang kulit nya!! Ayokong makipag-usap sa kanya!!!!

  *BbbbZZzzzz(Vibrate)

Nireject ko uli tapos pinatay ko na ang phone ko. Ayoko syang makausap sabi eh.. Matapos akong bastusin ng kung sinumang babaeng yon. Napakayabang naman nya!

“HOY!! ALAM MO BANG NANGGUGULO KA LANG.... NAG-AARAL SI GIAN!!! WAG KANG MAGULO!!! WAG KANG ATAT.. MAG-ARAL KA DIN WAG PURO LANDI!” Naalala ko nanaman kung paano nya ko sinigawa sa phone kanina! Ang kapal, kapal ng babaeng yun!

Mag-aral ako wag puro landi? Wow ha!! Eh anong ginagawa nila dun ni Bry? Panigurado nagllandian lang din sila!!! Ang kapal nya naman. Tapos Gian?? Sino sya para tawaging Gian si Bry.. Ayaw nga ni Bry na tatawagin sya sa first name eh.

Aaaaaaahhhhhhhh!!!

“Oi, Linds lampas ka na oh!!”

Ha??? Nakupo !!

“PARA PO!!!... PARA PO!!!” Sigaw ko kay manong driver. Buti tumigil naman sya... Kainis ang layo ko na tuloy.

“Ayan, ang lalim lalim kasi ng iniisip.. Oh sya babye na bes!”

“Babye bes..” Paalam ko kay Liberty.

Nakakainis ang layo tuloy ng lalakarin ko! Kaso, wala naman akong magagawa... Nung marating ko na ang village namin kinuha ko na sa bulsa ang phone ko at binuksan.

Perks of Being a Cold FishWhere stories live. Discover now