25: Icepiker

1.1K 18 1
                                    

Salamat sa mga readers ko, actually this works is just an experiment kung may magbabasa, So ayun nakikita ko naman po ang progress kaya pinupush ko ito araw araw and honestly, nakakataba ng right atrium ang bawat votes ang comments na nababasa ko. Yung iba medyo naguguluhan pa sa kwento pero unti unti ko yang hihimayin sa inyo at nawa'y sasamahan nyo akong halukayin yun.  Gusto ko lang naman talaga isulat ang mga nasa aking balintataw at nakakatuwa nanaman kasi talagang may mga nabasa..... Thank you so much sa aking mga current readera at sa mga babasa pa nito, Mabuhay po tayo ng mga 200 years pa. Labyu! ;* - futuristic_lover (ikwento mo sa magandang pagong)

♥ ❤ ❥ ❣ ♥ ❤ ❥ ❣♥ ❤ ❥ ❣♥ ❤ ❥ ❣♥ ❤ ❥ ❣♥ ❤ ❥ ❣♥ ❤ ❥ ❣♥ ❤ ❥ ❣♥ ❤ ❥ ❣♥ ❤ ❥ ❣

(ICE's POV)

1...2....3......18

1...2....3......19

1...2....3......20

1...2....3......21

Whoooo.... Kapagod, Mega career nanaman ako warm up nga lang pala ito. Well, active na actie talaga ako kasi nasa best part of the week na ako eh. P.E time!!!! Kaya eto ngayon tamang warm up muna ang section St. Elmo, loosening up para iwas injury.

May volleyball drills kasi kami ngayon kaya yan. Excited much na nga ako eh damang dama ko na ang kaluluwa ni Rachel Anne Daquis at Paning Mercado sa sirkulasyon ko kaya umaga palang kanina palong-palo na ko. 

Nagpito na si Sir Moy ang PE teacher namin tapos hingisan na isa-isa for the ball throw back and forth.. Sus sisiw yan mga bui! Ako pa eh kinacareer ko kaya yan kada year. Ultimo intrams nga eh lagi kaming panalo syempre dahil sa inyong lingkod... Ang galing kaya ng mga taktika ko dyan pang UAAP at V-league.

"Sir Moy, ang sakit naman kasi eh...." Reklamo ni Shine sa teacher namin. Napakaarte no, spikin ko kaya to sa mukha ng matauhan. Natural masakit yan.... Bolang matigas yan eh. Kung ako kay sir Moy ibinabagsak ko na to eh. Naku!! Naiinis nanaman ako eh agang aga..

Puro Girls pa kaming nadito sa court eh.. yung mga lalaki kasi nautusan pa ni Principal Suasage magbuhat ng mga chairs na ginamit sa misa. Maya-maya naman ay nagdatingan na sila.......

*_* Si Einar ko andyan na .. . ...... naku dapat lalo ako magpasikat sa kanya.

Para alam nyo na. Dagdag ganda points.......

Napansin naman ako ni Einar at ngumiti sa akin.. .. .. ..

"Hi, Swan Lake!"

Weeeeee.... Ang sweeeeeeeet! Shet! "Ahhh.. hehe... Hi, Einar."

"Drinks gusto mo? Bibili rin ako kasi eh..." sabi nya.

"ah.. Okay sure."

"Di pa naman kayo nagstart magdrill di ba, bibilisan ko na lang bumili para mapanood kita. Ayos ba yun?"

Wew!!! MUCH MUCH MUCH MUCH Better if you watch me. Tamang Inspirasyon ka alam mo ba yun?

"Ok ok! Sige Salamat Einar. " Haaa YES!! Kota!

Bumalik na ako sa court at sinimulan ko ng hampasin ang mga tinotoss ni Coach Moy sa akin. Tapos iniwan na rin ako nito para makalaro ko na yung ibang mga hampaslupang kaklase ko. Naiirita ako pag nakikita ko ang arte ni Shine.. Patamaan ko nga ng bola sa bunbunan...

Boink!*

Wahahaha sakto,,, "Oops sorry! Ayaw mo umalis dyan eh." sabi ko

Perks of Being a Cold FishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon