2: The Despicable Ice

1.8K 46 11
                                    

Dahil unang pasukan ngayon, naamoy ko nanaman yung mga bagong gamit sa eskwela.. amoy ng lapis, ng bagong libro, bagong notebook, bagong bag, pambura...... Amoy ng air freshener....Air freshener?

Ay Leche! Hindi pala air freshener yung naaamoy ko.. Pabango pala ng hampaslupang si Shine yun, kainis.. Parang tangang wisik ng wisik nung napakalaking bote na yun ng Victoria Secret Pure seduction scent. Pabango pa lang malandi na, pano pa kaya yung tao... Jusme! Di naman nya ikinaganda yun.. Di bale kung pagwisik nun nagbabago ang pagmumukha nya na parang kay Anne Curtis. Hindi naman. Nagyayabang lang yan, masabi lang na sosyal sya.. iniinggit yung mga inggiterang kaibigan nya. Yan dyan sila magaling, sa pag-iinggitan. Nakakasuklam!

Buti pa ko tamang Johnson Regular baby cologne lang... wala namang sumitang mabaho ako ah.. at wala din namang nagsabing mabango sya ah.. anong pagkakaiba nun? Hay naku naiinis nanaman ako.

Ano pa nga bang bago?

Lagi na lang naman ganito... Pagdating ng adviser aayusin ang seat plan, tapos magpapakilala sa harap, ipapakilala ang mga bagong salta... sasabihan kaming maging friendly sa mga bagong salta ... pagkatapos may 500 word essay writing nanaman tungkol sa How do you spend your summer vacation.... taon taon na lang, tapos pababasahin sayo sa harap...

Hindi naman ako interesado sa mga kayabangang pinagsusulat ng mga hampaslupa kong kaklase.. Puro Out of town, punta sa Beach, nagmalling.... Kung maririnig ko lang bang nagcharity work sila, nagvolunteer sa animal welfare society o nagdonate sa mga batang may cancer makukuha pa nila interes ko.. kaso wala eh.... Hampaslupa talaga eh... Hindi nila kasi naiisip yung mga bagay na yon, kasi mang mang sila. Nakakaawa talaga mga kaluluwa nila.

Oh mabalik tayo, ayun nga ganun naman palagi ang ginagawa sa mga paaralan, paulit-ulit. 

Nang maibalik ko na ang huwisyo ko, narinig ko nanaman ang malapalengkeng ingay ng mga kaklase ko. Iingay ng mga bunganga eh... Pag tinanong naman ng teacher sa klase, nganga. Grabe, nakakapika!

“Ang pogi nung classmate nating bago.” Kwento sa akin ni Richelle, yan kaibigan ko naman yan kaso medyo hampaslupa rin yan, puro crush crush ang alam. Isa sa mga tangang naniniwala sa fairy tale, wala namang jowa... tapos feeling nya pag may mga napapalapit sa kanyang lalaki yun na talaga... hindi naman sya nililigawan... gaga eh! Reyna yan ng one sided love affair.... sila yung mga tangang nabobroken hearted kahit wala namang karelasyon.. Nakakahabag talaga sya. Paano kaya uunlad tong babaeng ito.

“Sus pogi nanaman tapos ano.....Crush mo nanaman? Tapos ano.... Feeling mo nanaman crush ka din? Tapos maiinlove ka na agad tapos mabobroken hearted ka na lang dyan bigla, wala naman syang kaalam alam.. Nako Richelle ako’y sawang sawa na sa paulit-ulit na kwento ng buhay mo.. Update ka naman!”

“Ikaw naman Ice, napakaharsh mo talaga. Hindi naman ganun.”

“Anong hindi ganun!”

“Iiiihhhh, basta. Kinkwento ko lang naman yung new classmate naten eh.. Cute sya.”

“Oh eh anong gagawin ko kung cute sya, Tapos?”

“Basta.”

“Baka puro sya cute lang.... Wala namang utak, wala rin! Dadagdag nanaman ang mga paasa at mga tangang aasa dyan. Makakakilala nanaman ako ng pasanin...Haaaay... I’m sick and tired of this!”

“Ahh basta, pag nakita mo. Cute cute nya talaga.”

“Wala akong pakealam, hindi ako mabubusog kung cute sya!”

Napakababaw ng kaligayahan noh... Sarap sampalin ng armchair eh. Kinikilig agad ni hindi pa sya kilala at hindi pa rin naman nya kilala... Jusko kayong mga tao kayo.. kaya hindi na talaga kayo umunlad eh!

Perks of Being a Cold FishWhere stories live. Discover now