32: Anong Impact

955 21 2
                                    

(BRY's POV)

San na ba ko?

Parang anlayo na ng binabike ko sa subdivision na to hindi ko pa makita ang bahay nila Ice ah. Paano ba naman ang instruction lang sa akin ay yung pinakamalaking bahay na makikita ko at pag daw nakita ko yun, dun nya lang mapapatunayan na seryoso ako sa kanya. Napakahayop di ba? Bakit kasi aganun ang batayan nya ng pag-ibig ko? Hanapan. Peste, mukhang tinitrip lang ako nun ah, may tatlumpung minuto na ata akong lakad ng lakad dito sa Ayala Heights. ;(

BBBBZZZZZZ! 1 message received. From ICe.

'Asan k na? Antagal mo!!'

Tamo to, eh kung sinsabi nya na kasi ang buong address nila di ba.

ME: "Naliligaw n ata ako bka pngt3pan mo lng a Ice ha!'

ICE: 'At bkit ko nman pgaaksyan ng oras ang tripin k? Aber?'

ME: 'Eh sn b kc? ndito n a s may pink n gate . . . may nklagay n Bermudez Family..'

ICE: 'Malpit k n.'

ME: 'Tamo to!! Sbhin m n ksi.'

ICE: 'ABa, icpn mo nsa amzing race ka no! Ikaw ang gumwa ng praan qng pno m22n2n.'

ME: 'Oh sya sya..cge n.'

Sige lang Bry deretso pa.. akala naman siguro nya susukuan ko sya. Pwes matira matibay saming dalawa. Hindi uso sa akin ang nasuko no!

May nakasalubong akong Guard na rumoronda. Pagkakataon ko na.. 

"Guard san po yung Kila Evangelista?", tanong ko

"Naku hijo hindi ko alam eh." sagot naman ni Manong Guard

Haaa? Baka naman hindi dito yun.. 

"Eh kasi sabi po nung pupuntahan ko hanapin ko po yung pinakamalaking bahay na pwede kong makita dito sa Ayala Heights eh... San po ba yung pinakamalaking bahay na Yun?"  

"Ahhh... Yung sa mga Tantoco, ayun pinakamalaking bahay na yun dito. Deretso ka lang tapos kaliwa ka sa kantong yun" Sabay turo ng kanto.. "yun na yun. Pero kung Evangelista hanap ko, eh hindi yun yon."

Haaaaayyy... bakit naman kasi napakapahirap nya. Talagang gusto nya mala-amazing race pa ang gagawin kong paghanap sa kanya. Loko yun ah.

Bahala na, kaya dineretso ko na lang yung itinuro ng Guard... Edi itatanong ko, malayn mo naman dun sya nakikitira o baka yun lang tawag sa bahay nila di ba. Anong malay natin.. Kesa naman sabihin nya na hindi ko sya hinanap at habang buhay nya pa akong sisihin dahil lang dun. ANg ugali pamandin ng babaeng yun eh, hindi mo mapagtanto.

Pagdating ko dun.... O_O 

Woooooooooow!! Ang ganda naman ng bahay nato.. Parang yung bahay namen kwarto lang dito. Nakakahiya naman magdoorbell.... pinindot ko naman ang maharlikang buton dun na may drawing na bell tapos may screen sa tabi may nakilagay pang Home Visitor status. Nakalagay ang bilang ng dami ng Visitors, unique visitors??? Ako kaya kasali sa unique visitors, tapos may Average time of visit, Average visitor age at Average visitor weight... Kamusta naman itong mga kalokohang ito.. Ayaw na lang akong papasukin kung papapasukin..

Biglang may nagsalita dun sa may  na tabi ng doorbell... "Sino po sila?" sabi ng boses galing dun hi-tech na doorbell.

"Gian Bryson Villania po..... dito po ba nakatira si Ice Evangelista?"

Perks of Being a Cold FishWhere stories live. Discover now