33: Confused

1K 21 3
                                    

(ICE's POV)

Being a person is getting too complicated. Time to be a unicorn.

True? Of course that's true kelan ba ako nagkamali.. Agang aga nanaman at nasa school nanaman ako, hindi pa ako nakakalagpas ng gate ng St. MArtin nakakaramdam nanaman ako ng pagkaasar.. Bat kaya ganun.. 

Boooogssshhh!!.... 

"TAKTE!!! Hindi ka ba nakakakitang hampaslupa ka???" sigaw ko sa isang babaeng estusyante rin ng St. Martin at kung hindi ako nagkakamali 2nd year lang to.

At Inirapan lang talaga ako ng lapastangang ito?? Akala mo kagandahan puting puti naman ang pagmumukha dahil sa 3 kilong foundation sa mukha!

"HOY!!!" tawag ko dito... Lumingon naman sya agad. "Sa kakapalan nyang foundation mo hindi mo na makita dinadaanan mo eh!! Bawas- bawasan mo yang mukha mo ... I mean yan yang foundation mo ha!!! MUKHA KANG BAVARIAN!!!!" Sabay taas ng isang kilay at tinalikuran ko na sya at dumeretso na ako ng room.. Malma uumpisahan nanaman ako ng mga hampaslupang ito eh. Bukod, pa dyan agang aga, ako nanaman panigurado ang laman ng balitaktakan sa buong St. Martin...... What's new?

Sus parang kagabi nainis pa ako sa isang post ng 2nd year din yung si Rianne, hampaslupa rin yun eh.... SIno bang hindi bukod sa'kin... Todo post pa ng Single daw sya... Kesyo malungkot pala ang single..... Walang yang yun, Ayaw pa sa TV patrol manawagan ng dumagsa ang lalandi sa kanya. Talagang nakatag pa si Gian sa post nya... Ang kapal ng apog eh.

Anyway,

"ICEEEEEEE!!!" 

Sino ba yung hampaslupang maingay na yun????? Tiningnan ko sa taas bunganga pala ni Richelle..

"ANO???!!!"

"Namiss kita." Sabi nya sa akin habang patakbong nalapit sa akin..

"Pwes ako hindi."

"Ito naman eh.... ang ganda mo ata ah?" komplimento nya

"Oo alam ko, lalo na kung ikukumpara sa'yo. Oh anong kailangan mo? Wala ka bang assignment? Wala kang baon o May bago ka nanamang ikekwentong ikaiinis ko?"

"Eto naman.. napakahard mo talaga.. Wala lang namiss lang kita masama ba yun... So ano balita sa inyo ni Bry?" tanong nya, sus alam ko nang may nasagap nanaman itong chismis kaya ito ganto.

"Bakit anong nabalitaan mo tungkol sa amin... at para tanungin mo ako ng walang kakwenta kwentang ganyan?"

"Nagpunta daw sa inyo si Bry ah."

"Oh eh ano ngayon?"

"Wala lang.. So totoo nga?'

"OO!. Bakit masama?"

"Hindi naman sa ganun Ice.  kayo na ba?"

"Ke kami... Ke hindi... Hindi mo ikakapasa yun, OK?"

Iniwan ko na sya bago pa ako mainis... Nang papunta na ako ng room bigla kong nakasalubong ang... teka.... kaklase ko to ng grade 2 ah.... Si Beth. Grabe, wala lang grabe lang.... Akalain mong malaki na sya oh. Dati hipon lang sya, ngayon sugpo na.... ;) Nginitian naman ako ni Beth ako, bahagya lang. Ayokong masayang ang protina ko sa mga ganyang nilalang.

Hindi muna ako pumasok sa room at nadun muna ako sa corridor sa labas... nakasilip sa pasamano.... Tiningnan kung gaano na karami ang hampaslupang naglalabas-masok sa St. MArtin. Akalain mo nga naman oh ang dami nila... Sarap maghagis ng Atomic bomb sa baba..

Perks of Being a Cold FishWhere stories live. Discover now