37: Its all coming back

657 28 2
                                    

AFTER A YEAR (that seems like forever)

Napakatagal ko sigurong hindi nakapagpakita ng kasamaan sa inyo... Sino nga bang masama??? Ako? Aba madaling sabihing ako..... sino ba namang tanga ang umamin sa kasalanan nila... Well anyway, Its nice to be back after a vacation... A very long vacation, I've been into different places.. Mayaman kami eh at sunod sa luho ang anak ni Marga Tantoco.. 

Boracay???? PWE!!!! Kasawa... syempre hindi dun syempre dun sa lugar na bihirang mayapakan ng mga hampaslupa sa mga lugar na malayo sa realidad ng mundo. ang sarap ng feeling.

Ano pa ba???

Ayun, nagpakadalubhasa ako sa mga iba pang bagay tulad ng pagtugtog ng piano... WALA AKONG NATUTUNAN!! Hampaslupa eh. Bakit ba kasi ipipilit sa aking pag-aralan yun eh hindi naman ako magiging musikero sa mga darating na siglo.. utang na loob nga!

Tapos ayun ipinasok ako sa mga convention kung saan tinuturuan akong magmanage ng negosyo.. Malamang kasalanan talaga ng mayaman na maging mayaman sya kasi bata palang nabibigyan na ng mga responsibilidad na hindi nya dapat nahahawakan. ISANG KAMALIAN!! 

Bukod dun tuloy pa rin naman ako sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan at yung ata ang masasabi kong pinakamaayos at pinakasatisfied ako. THAT MADE A BIG SENSE OF LIVING.

Ano pa gusto nyo malaman????

Kahit ano!

Tungkol sa Science?? Anong topic at kaya kong itackle sa inyo....... sa MAth??? sige alam ko yan...... sa English???? sa Literature??? Saan??? Magsabi kayo.......

SA PAG-IBIG????

Haaaaaaiiiiiiiiii... PALAGI na lang...

Oo na alam ko!!!

Si Gian??? Yung lalaking yun??

Wala!!

Wala sya nasa kanila, mamamatay na yun sa sobrang pagkamiss sa akin... Baka patay na nga yun eh o comatose... Hindi daw sya makahinga pag wala ako sa tabi nya... oh eh panong gagawin ko! Alangan namang ikeychain ko sya para lagi ko sya kasama... kaartehan!!! naiinis ako ng ganun. 

Love is not about being inseparable... its about being separated and nothing changes... That's it.

'I'm home.' text ko sa kanya.

'Cge babyluv... dito p cla lindsay s bhy maya na q punta dyan.' he replied.

Napataas ng onti ang kilay ko sa reply nya.. parang gusto ko ireply kung anong klase baril ang gusto nyang ipasalubong ko sa kanya o baka kanyon ang gusto nya para kahit kaluluwa nya mabubura. Nakakaallergy talaga yung pangalan ng Lindsay na yun... Paano nya kayang nasisikmurang maging isang kaibigan na lang sa taong alam ko at alam nyo din namang mahal na mahal nya. Idinedeny pa nyang hampaslupa sya. Naunahan ko tuloy, sorry sya. Kung kontribida ko sa buhay nya... pwes lumayas sya at ako ang bida sa kwentong to. kaso hindi pwede mawawalan ng thrill at wala ng babasa... baka sabihin eh 'ano ba yan lagi na lang masaya yang kwentong yan, kadiri!' Anyway, sige hahayaan ko sya.... simple lang namang yung kasiyahan nya hindi ko puputulin........ sa ngayon. May jetlag ako kaya pakasaya muna sya.

Perks of Being a Cold FishOù les histoires vivent. Découvrez maintenant