27: Putok Fuse Mode

1K 16 2
                                    

(ICE's POV)

"If equal quantities are added to equal quantities, then their sums are equal. If a = b, and c = d, then a + c = b + d." paliwanag ni Einar sa akin ng meaning ng Addition Postulates...Shet ang talino nya lang, ang sarap magbobo-bobohan pag ganito. Kahit alam ko naman talaga ang mga bagay na yan, sinusubukan ko lang talaga sya.

"ahhhh... Ganun ba.." 

"Oo ganun yun Swan Lake." weeehh ayan nanaman yang nakakakilig na swan lake na yan. ツ

"SUS!!! NARINIG KO NANAMAN YANG PESTENG SWAN LAKE NA YAN!!! TIGILAN NYO NA NGA YAN HINDI NAMAN MAGANDA PAKINGGAN." singit naman ng isang hampaslupa sa may bandang kanan ko. Kapal nito, hindi naman sya kinakausap. Sabat ng Sabat.

"Sinabi ko bang magsalita ka dyan?" angil ko kay Gian.

"Ehhh.. kasi naman turuan kayo ng turuan dyan pareho nyo nanaman alam yan, para kayong..."

"Para kaming ano!!!!" 

"Para kayong...... Para naman kasi kayong nakakapanghamak ng tao sa ginagawa nyo! Porke alam nyo yung lesson na yan, pinaglalaruan nyo na lang. Pano naman ako? Sila? Hindi naman namin yan naiintindihan eh... Dapat sakin mo shineshare ang nalalaman mo hindi dun sa mga may alam na."

"Tapos ka na?" tanong ko matapos akong litanyahan

"Oo."

"Oh manahimik ka na dyan wag mo kaming pakealaman!"

Tumalikod na lang ako uli sa kanya, hindi ko inintindi ang mga kaartehan nya. Kasalanan ba namin ni EInar na bobo sila at tamad sila mag-aral. Kung hindi nila alam pwes, kawawa sila. At habang buhay na lang silang mang mang.

"Review na uli tayo?" tanong uli ni Einar

"Ok game." Sabi ko.

"Eh how about this one, The Power Postulates?" tanong nya sa akin.. "Anong intindi mo dyan."

Tiningnan ko naman ang itinuro nya.

Tumayo si Gian sa harap namin at hawak hawak ang lapis nya tapos bigla syang nagsalita...."The squares, cubes, or any other powers of equal quantities are equal. If a = b, then a^2 = b^2, and a^10 = b^10. DI ba? Tama ba ako?"

0_0

Nagkatinginan kami ni Einar... at gulat sa sinabi nya... For real?

"Ahhhh... Eh.. Oo tama yun kaso hindi ka naman kasali sa nagrereview, hanggang dito lang ang nagrereview oh." sabay linya ng imaginary sa gitna namin at kay Gian.. Natural nasa labas sya ng aking imaginary line.

Inirapan lang nya kami at umupo na uli sa pwesto nya...Haaaay.. ang kulit nya! SOBRA!

Nang dumating si Miss Buillon, nagbigay na sya ng madaming problems about Partitions and Substitution...Sa lahat ayoko ng reasoning sa Geometry at sabi din ni Einar medyo naguguluhan lang din sya... Nang matapos ang 30 minute, seat work pinacheckan na ang mga notes namin.

I got 17 over 20... Pwede na. kaso hindi pa pala.... I'm aiming for a perfect score.

Einar got 16 over 20 buti nataasan ko...

At

At

Weh?????????

Sinilip ko ang nakuha ni Gian...

Perks of Being a Cold FishDove le storie prendono vita. Scoprilo ora