“Naji, please hear me out,” aniya habang marahang humahakbang. “Alam kong kinamumuhian mo ang ama mo sa ginawa niya sa inyo dati. But he changed. Believe me!”

“Miss, sasakay ka ba o ano!?”

Napatingin ako sa naiinis ng driver.

“Sasakay po.” I opened the door and entered. “Tara na po. Bilisan n'yo po, please!”

Mabilis namang pinausad ni Manong ang taxi. Tiningnan ko ang rearview mirror at nakita ko r'on na nakatayo lang si Jah at nakatingin sa papalayong taxi'ng sinasakyan ko. Later on, sinabunutan niya ang kaniyang sarili 'tsaka umupo sa gilid ng daan.

Napabuga ako ng hangin. Pumikit ako at sumandal sa upuan. Inalis ko ang mga luha sa mukha ko gamit ang aking mga palad. Tinanong ako ni Manong kung saan ako bababa at agad ko namang sinabi ang address ng bahay namin.

--

Nagpapasalamat akong malapit na ang bakasyon.

Kakatapos lang namin sa games ng aming Christmas party. It was so fun, but I never got to play. Ako kasi ang host. Nakalimutan ko pansamantala ang mga problema ko.

Nakapalibot kami ngayon sa malaking bilog na lamesa dito sa classroom. Kumakain na kami. Katabi ko ang apat, as usual. Pero katabi rin ni Jennie, na nasa dulo namin, ang kaniyang boyfriend na si V. I thought he was not serious with our friend, kasi bubugbugin ko na sana 'yan. But he suddenly went to us yesterday, begging us to tell him how Jennie will forgive him. Though hindi ko na sana sasabihin kasi marupok naman si Jennie, mag-aantay lang siya ng 30 minutes at si Jennie na mismo ang lalapit sa kaniya.

“Naji, your phone,” ani Rose kaya napatingin ako sa kaniya habang inaabot ko ang huling lumpiang shanghai. “Kanina pa 'yan.”

Nalipat ang tingin ko sa cellphone kong nasa lamesa, naka-display ro'n ang pangalan ni Jah. Kaagad kong pinindot ang kulay red na button at nawala na ang tawag. I turned the airplane mode before I put my phone to sleep. Then, nakangiting inangat ko ang tingin ko kay Rose.

“Pakiabot nga no'ng shanghai, bilisan mo!” sabi ko sa kaniya sabay turo sa shanghai. Kaagad niya namang kinuha at binigay sa akin.

Pagkakatapos ng pagkain ay sa exchange gifts naman kami. Sobrang saya ko dahil ang nakuha kong gift ay book set ng paborito kong series sa wattpad. Si Jennie pala ang nakabunot sa pangalan ko.

Ang nabunot ko ay lalaki, hindi ko alam kung ano ang ibibigay sa kaniya kaya t-shirt na lang na may printed picture ni Lexi Lore, baka kasi idol niya.

Si Jisoo naman, ang natanggap niya ay mug na galing kay Lisa. Si Lisa naman ay nakatanggap ng Tupperware. Si Rose, ayon make up set.

Ala una na ng hapon natapos ang party. Nagpasundo ako kay Kuya tutal dadaan naman siya sa school namin papunta sa tinatrabahuan niya.

It's been three days since that time. Hindi ko na kinakausap si Jah. Ayoko pa. Alam ko kasi na kapag kakausapin ko siya, mabubunton sa kaniya ang galit ko. I'll let myself cool down first before I talk to him.

Nasabi ko na rin kina Mama ang tungkol sa nangyari, pati ang tungkol kay Papa. Si Kuya lang ang galit na galit noong sinabi ko habang si Mama naman, parang gulat at hindi makapaniwala. Kaya nga kaagad na pumayag si Kuya nang sinabi kong magpapasundo ako, kasi baka raw balikan ako ni Papa.

Nasa kwarto ko ako ngayon. Nakabihis na ako ng pambahay. Nakaupo ako sa study table at inaamoy ang bagong libro na gift ni Jennie sa akin. I was about to open the book, nang mahagip ulit ng paningin ko ang cellphone ko.

Bumuga ako ng hangin bago ko kinuha ang cellphone at in-off ang airplane mode. And ilang segundo lang ang dumaan, bumaha ang mga notifications na may voice mails ako galing kay Jah. It stopped when the number of voice mails reached 99+. I clicked one of his voice mails.

‘Naji. Sagutin mo ang phone, please. 'Wag mo naman akong iwasan!’

‘Naji, let me explain why I did it. Let's meet at the park mamayang lunch time.’

‘You're not here. Hindi mo siguro narinig ang voice mail ko. Maybe you didn't checked or you ignored this. Hindi ka naman magpapakita sa 'kin, so I'll explain via voice mail. Sana marinig mo 'to.’

‘You said you wanted a complete family. You said it was your dream since you were a kid. I just wanted to see you happy, but looks like I made you hate me as well,’ tumawa siya.

‘It's true that your father already has another family. But you know what? Kahit may bago na siyang pamilya, hindi niya kayo nakalimutan. Remember that kid you saw that day? He's Julius, and he knows who you are. He called you 'ate' when he saw you that day, kaya lumapit siya.’

‘If you want another explanation, come here at the park. Maghihintay kami rito hanggang 3PM sa'yo.’

And that was the end of the voice mail. Nakatitig lang ako sa cellphone ko. What he said made me hesitate. Should I go? Or not? But I'm tempted to know more. I want more explanation.

My phone beeped again. Akala ko si Jah ulit, but it was Rose. She texted na nasa bahay sila ngayon ni Jennie, and they're inviting me for a little party na kaming lima lang. Mamayang alas tres din.

Napabuntonghininga ako. I turned my phone to sleep and stood up. Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at pumikit. Pagod na ako.

But I found myself dolled up in front of the mirror. Pagkakatapos mag-ayos ay bumaba na ako.

“Saan ka pupunta?”

Kuya blocked my way. Napasimangot ako.

“Wala ka na ro'n! Kaya chupi!”

Aangal pa sana siya pero kinontra na rin siya ni Mama. Wala na siyang nagawa pa kaya umalis na lang siya. Umalis na kaagad ako.

Sumakay ako ng taxi papunta sa pupuntahan. I've been contemplating, pero baka masayang ang effort nila dahil hinihintay nila akong dumating. Ayoko silang biguin. At least, this is what I can repay them.

The taxi stopped. Bumaba na kaagad ako.

I found myself standing in front of the park.

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon