“Hay! Bakit ba biglaan kung pumunta ang isang 'yon!” I mumbled while looking at my face in my mirror and fixing my hair.

Naglagay ako ng kaunting pulbo para hindi ako magmukhang haggard, inayos ang pagkaka-ponytail ng buhok, 'tsaka tinuwid ang nagusot na damit. When satisfied, maayos akong tumayo at tiningnan ang sarili sa salamin sa huling beses bago lumakad palabas. Napangiwi pa ako nang kumirot ang tuhod ko, pero pinilit kong lumakad nang maayos.

Nang nasa tapat na ako ng hagdan, tumingin ako sa may sala. Nandoon nga si Mama, nakangiti habang kausap si Jah. And she's holding a medium-sized box, na sa palagay ko ay merch na naman. Napairap na lang ako. Hindi na ako magtataka kung ipagpapalit ako ni Mama para sa SB19 merch.

Tumikhim ako at marahang bumaba ng hagdan. Nang mapatingin si Jah sa akin, kaagad akong umiwas ng tingin kasabay ng pagbilis ng pintig ng puso ko. Napatingin na rin sa direction ko si Mama dahil sa pagtitig ni Jah sa 'kin.

Tumayo si Mama at kaagad akong nilapitan. Napangiwi ako nang kinurot niya bigla ang tagiliran ko. “Mama naman, eh!” bulong ko.

“Ayusin mo 'yang mukha mo, masyadong maraming pulbo ang nilagay mo,” aniya bago umalis. Ako naman ay napasinghap at kaagad na pinunasan ang mukha.

Masyadong marami? Parang tama lang naman ang nilagay ko, ah.

Napahinto ako nang tumikhim si Jah. Nakalimutan kong nand'yan pa pala siya. Nakangiting nakatitig siya sa akin, kaya mas lalo akong naaw-awkward-an. Tumikhim din ako.

“Anong... ginagawa mo rito?” mahinang tanong ko habang iniiwasan ang kaniyang tingin.

Gosh! Ba't ba ako kinakabahan? Si Jah lang naman 'yan, eh.

Hindi siya sumagot, nakatitig pa rin siya sa akin na para bang natutuwa siya. Napasimangot ako.

He chuckled, “Halika rito," and motioned his hand for me to come.

Kahit nakasimangot ay lumapit pa rin ako sa kaniya. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kaniya para yakapin. Habang tumatagal, humigpit ang kaniyang yakap sa 'kin.

“J-Jah...” Napakurap ako.

He sighed. “I'm recharged now.”

Nagsalubong ang mga kilay ko. “Ano?”

“Napagod ako sa mga ginawa namin this past few days. Your hug just recharged me, so I'm okay now.”

Umatras ang dila ko. Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan na lang siyang yakapin ako. Ang mga kamay ko ay kusa na lang umangat para sana yumakap sa kaniya pabalik pero nang mapansin ko ay kaagad kong ikinuyom at ibinaba ulit. Mas mataas pa rin ang pride ko kaysa sa 'kin, 'no.

Napaigtad ako nang may tumikhim. Napatingin ako sa gawi ng tumikhim at kaagad kong tinulak si Jah nang makitang si Kuya 'yon. Bahagya akong lumayo kay Jah at humarap kay Kuya. Mukhang kakagising niya lang dahil gulong-gulo pa ang buhok at medyo sumingkit ang mga mata. Hindi ko siya napansin kung 'di siya tumikhim.

“K-Kuya... kanina ka pa?” I tried to sound casual, pero kinakabahan talaga ako for no reason.

Naningkit ang kaniyang mga mata. “Hindi... kabababa ko lang.”

Tumango ako at pilit na ngumiti.

“Sige, pagpatuloy n'yo na 'yang 'pag-re-recharge' d'yan.”

Napakurap ako sa gulat. What? Narinig niya pati 'yon? Magsasalita pa sana ako pero tumalikod na si Kuya at dumiretso sa kusina.

“Your knee must hurt.”

Napabaling ako kay Jah nang magsalita siya. “H-huh?”

Tinuro niya ang tuhod ko. “It's turning into violet. Siguro dahil nabunggo ang tuhod mo somewhere, narinig kong may kumalampag sa kwarto mo. I-cold compress natin 'yan.”

Hinawakan niya ang kamay ko at hihilain na sana ako pero pinigilan ko siya. “H-hindi na kailangan. Hindi naman masakit, eh.”

Umangat ang kilay niya. “Sure ka?”

Napabuntonghininga ako. “Ano ba kasi ang ginagawa mo rito? Pagod ka, hindi ba? Nagpahinga ka na lang sana sa bahay n'yo o sa apartment n'yo.”

He flashed me his sweetest smile, and I couldn't help but blush. Damn!

“Seeing you is better than taking a rest.”

Napairap ako. “Kapag himatayin ka d'yan dahil sa matinding pagod, 'wag mo 'kong sisihin, ha! Landi-landi nito.”

Tumawa siya. “Is it bad to see my girlfriend after so many weeks?”

Girlfriend–

Napasinghap ako at kaagad na tinakpan ang kaniyang bibig. Sinilip ko sa kusina sina Mama dahil baka narinig nila. Nang makitang mukhang wala naman, binalik ko ang paningin ko kay Jah.

“Hinaan mo nga 'yang boses mo! Paano kung marinig ka nina Mama?!”

Inalis niya ang kamay ko sa kaniyang bibig 'tsaka siya ngumuso. “Do you want us to be a secret, Naji? Ayaw mo bang malaman nila na tayo na?”

“Kapag nalaman ni Kuya 'to, lalabas ka na rito sa bahay na wala nang buhay!”

Tumawa siya. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at pinagsalikop ang mga kamay namin.

“Tara. May ipapakita ako sa'yo.”

Nagsalubong ang mga kilay ko. “Saan? Magbibihis na muna ako.”

He smiled. “No need. You're already beautiful with just those simple clothes and face.”

Unti-unti akong napangiti sa sinabi niya. Oo na, ako na ang kinilig.

Hinila niya na ako palabas ng bahay at papunta sa kaniyang kotse. Hindi pa ako nakapagpaalam kay Mama pero alam ko naman na papayag siya kapag si Jah ang kasama ko.

Habang nasa byahe, he kept me entertained. He kept asking on what's my ideal date. Dahil sa pagtatanong niya, nawala na ang tsansa kong magtanong kung saan niya ako dadalhin at kung ano ang ipapakita niya sa akin. Ayoko rin masira ang excitement kaya hindi na rin ako nagtanong pa.

Huminto ang kotse sa park. Napangiti ako nang maalalang sa park din na 'to ang isa sa mga dates namin dati. Tumingin ako kay Jah.

“Are we having our date here?”

Ngumiti siya. “Yes. Kaya tara na.”

Tumango ako. Nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. He intertwined our hands and slowly guided me to nearby bench.

“Stay here,” aniya pagkarating namin sa bench. “I'll buy us something to eat. Anong gusto mo?”

“Anything will do. Lahat naman basta pagkain gusto ko.”

Tumawa lang siya. “Noted, babe.”

Binitawan niya na ang kamay ko 'tsaka umalis na. Ako naman ay umupo na sa bench at nilibot ang paningin sa paligid. Nakadamit pambahay lang ako, thin plain t-shirt at cotton pink shorts na hanggang ibabaw ng tuhod. I suddenly felt conscious.

Dumaan ang ilang segundo, hanggang sa umabot na ang ilang minuto. A ridiculous thought crossed my mind–paano kung iniwan na ako ni Jah rito? That's absurd. Dinala  niya ako rito para iwan? Ang gago niya kung gano'n.

“Naji...”

Marahas akong bumuga ng hangin. Tumayo ako at humarap sa kaniya. “Bakit ang tagal mo? Kanina pa akong...”

My words halted, and I felt like everything suddenly stopped. My body shuddered. Halo-halo na ang mga emosyong nararamdaman ko habang nakatitig sa kaniya. Tears started to flow from my eyes unconsciously.

***

A/N: Keep safe, guys. Don't go out of your houses unless necessary. Maligo kayo sa alcohol, charot.

Exclusively Dating The Idol | ✓Where stories live. Discover now