Bumuga siya ng hangin habang pinapasok ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon.

“Ngayong araw ang huling araw ng ating deal, Naji.”

Natigilan ako. I tilted my head to the side as I processed what he said. Now that he said that, naalala kong halos dalawang buwan na pala kaming nagd-date for show. At ngayon nga, ang huling date namin.

Napakurap ako at napalunok nang maramdamang may nakabara sa lalamunan ko... at sa'king dibdib.

Ngumiti ako. Pero parang lumalabas na peke ang ngiti ko.

“A-ah! Oo nga pala!” Tumawa ako.

Ngumiti siya. “I want to make this day a special one, since huling araw na ngayon ng deal natin.”

I bit my lower lip before I nodded.

Tumawa siya. “Halika nga. May pupuntahan tayo.”

Hindi na ako nakaangal sa kaniya nang hawakan niya ang kamay ko at marahan akong hinila. Napapatingin na sa amin ang mga taong nadadaanan namin, kaya yumuko na lang ako at lumugay ang buhok ko ko at  itago ang mukha ko. Gosh! What a scene.

“Saan ba tayo pupunta?” I asked.

“Somewhere special!” sagot niya.

Napanguso na lang ako. Naiinis talaga ako kapag pinapa-suspense ang mga bagay na pwede namang sabihin na kaagad.

Akala ko special talaga ang pupuntahan namin dahil sa pa-suspense niya. Kumain lang pala kami sa isang restaurant na palaging kinakainan ng mga artista. Hindi special kasi hindi ko nakita si Richard Guttierez o kahit si Daniel Padilla or Alden Richards. Pero sabi niya, sa isang programme, pinapahuli talaga ang main event, at wala pa kami sa tinutukoy niyang "special."

“Tang--” Napangiwi ako nang maramdaman ang init ng bagong lutong kwek-kwek na diretso kong sinubo.

“Ayan kasi. Bakit ba kasi nagmamadali. Palamigin mo muna.”

Napasimangot ako. “Kasalanan mo 'to! Dinala mo pa ako sa restaurant na sobrang mahal. Kung gaano kalaki ang presyo, gano'n naman kaliit ang pagkain! Kung dito nalang sana tayo sa street foods, edi 'yong binayad mong 1K plus ay nabusog na tayo.”

Inirapan niya lang ako bago niya sinubo ang tempura niya.

“Saan ba kasi 'tong somewhere special na sinasabi mo, ha?”

“Alas cinco pa lang. Mamayang alas sais tayo aalis papunta ro'n, para saktong gabi na pagkarating natin.”

Napanguso ako. 'Tamo na. Lugar tinanong ko pero oras ang sinagot. Ibang klase talaga.

We had our usual date, like a normal couple. At saktong alas sais nang nakalabas kami ng sinehan kaya dumiretso na kaagad kami sa sinasabi niyang dapat namin puntahan.

Ngayong araw ang huling araw ng deal namin. Iniisip ko pa lang na hindi ko na makakasama sina Josh ay nalulungkot na ako. And I know I will feel bored and lonely once we will part from each other, dahil tapos na ang deal. I did my part, and my part ended here.

Habang patagal nang patagal, parang nagiging pamilyar sa paningin ko ang tinatahak na daan namin. At nang huminto ang kotse sa madilim na gubat, natigilan ako.

“Baba ka na,” aniya at nauna nang bumaba. Ginamit niya ang kaniyang cellphone bilang ilaw.

Hinanap ko ang flashlight button ng cellphone ko at in-on 'yon bago bumaba. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan akong hinila at inaalalayan para hindi madapa o ana.

Ngayon ko lang napansin. Parang naging gentleman siya bigla sa'kin ngayong araw na 'to, ah.

Nakatuon ang ang mga mata ko sa harapan, dahil gusto kong makumpirma ang hinala ko kung nasaan na kami. Makalipas ang ilang minuto, huminto kami sa dulo ng trail, at napasinghap ako nang maalala ko na kung nasaan kami.

Ito 'yong flower field dati! Umaga noong nagpunta kami rito kaya hindi ko agad nakilala.

Gabi na kaya natutulog na ang ibang bulaklak, habang ang iba naman ay gising na gising at nakatingala pa sa langit. Nang nag-angat ako ng tingin sa kalangitan, hindi ko naiwasang mamangha.

Sobrang lawak ng langit at punong-puno ng mga bituin. Nakangiti ako habang marahang lumakad papunta sa flower field. Sa tuwing nagagalaw ng katawan ko ang mga halaman, may mga lumilipad na nagambalang mga alitaptap. Nawili ako masyado kaya tumakbo ako, kasabay ng pagliparan ng napakaraming alitaptap na parang mga bituing bumaba mula sa langit.

Parang batang aliw na aliw na tumawa ako.

“This is amazing!” I screamed in delight as I chased the firefly away.

Nang huminto ako, inangat ko ang kamay ko at ibinuka ang palad. Napangiti ako nang may dumapong tatlong alitaptap sa palad ko.

Napatingin ako kay Jah. He's now walking towards me with a smile on his face, like today is his most memorable and happiest day.

“Mas maganda pala rito kapag gabi,” I commented.

“Oo. Kaso hindi mo makikita ang ahas kapag kinagat ka.”

Tinaliman ko kaagad siya ng tingin. Tumawa lang siya. Dahil sa ginawa niya, lumipad paalis sa palad ko ang alitaptap kaya napasinghap ako.

“You shooed the firefly away with your laugh, De Dios!” Napasunod na lang ako ng tingin sa alitaptap na lumalayo na sa'kin. Bumaling ulit ako sa kaniya. I smiled. “Thank you dahil dinala mo ulit ako rito! But sad to say, this would be my last time here. Our deal ends today, right?”

He licked his lips and nodded. “'Yan ang dahilan kung bakit kita dinala rito. I want to make this day a happy day instead of a sad one.”

Ngumiti ako bago tumalikod. Tumingala ako para tingnan ang mga bituin. Pero ang totoo, gusto ko lang pigilan ang luha kong nagbabantang tutulo.

“Hindi naging maganda ang mga naunang araw natin, Jah. But I admit, napalapit na ang loob ko sa'yo. Dahil sa pagiging pretend girlfriend mo, nakilala ko sina Josh. Though may negative part sa deal natin, mas lamang pa rin ang nakilala ko kayo ng SB19.”

Humarap ako sa kaniya. I sighed heavily, na para bang nilalabas ang lahat ng bigat sa dibdib ko.

“I'm going to miss this...” and you.

He chuckled. “You won't miss me.”

Napakunot ang noo ko, pero nakangiti pa rin. “What do you mean?”

He sighed. “Sa loob ng dalawang buwan, marami akong mga nalaman na dati ay clueless ako. Marami akong mga naging katanungan na kalaunan ay nasagot na. Iisa lang ang sagot ng napakaraming tanong ko na bumabagabag sa akin araw-araw.”

Nakatitig lang siya sa akin habang seryosong nagsasalita.

“I didn't know why I was always so excited to see you on our Saturdates and Sundates. I didn't know why I was so happy everytime I see you. I didn't know why I was smiling everytime I received a message or reply from you. I didn't know why I was so excited to be with you and show you to my favourite places. I didn't know why I was so angry at Josh or any guy everytime they talk to you or touch you. I didn't know why I always feel empty when you're not around... and I didn't know why my heart is always acting crazy when you are around.”

Natigilan ako at napakurap sa kaniyang mga sinabi. Unti-unti ko pang dina-digest sa utak ko ang mga 'yon, pero nire-reject ng utak ko.

“And all of those questions and confusions were answered with only one thing.” He stepped closer to me. “It is all because... mahal na kita, Naji.”

And boom... Both my brain and heart exploded at his sudden confession.

“You won't miss me. Because starting today, I want you to be my girlfriend. But this time, I want us to be real. I want you to be my girlfriend for real, Naji.”

***

A/N:

Awwiiie nangangalahati na po tayo sa storyyy :>

Btw, may sakit daw sina Jah at Josh. Let's pray for their instant recovery para matuloy na ang concert nila at makita sila ng mga ATINs. Huhu, kawawa mga bebe ko. Pagaling kayo, mga labidads.

Exclusively Dating The Idol | ✓Where stories live. Discover now