Nagsalubong ang mga kilay ko. “Saan?”

“Hindi na surprise kung sasabihin ko.”

Hindi na lang ako nagsalita pa. Pinakiramdaman ko na lang ang paligid. Maingay pa rin sila. Nagbabangayan at nagtatalo. Ako naman ay sinusubukang kalasin ang lubid na nakatali sa mga kamay ko pero masyadong mahigpit ang pagkakatali. Ginagalaw ko rin ang mga kilay at ang noo ko pati mga mata para bumaba ang blindfold. Pero mahigpit rin ang pagkakatali. So... I gave up and just waited dahil napagod na ako kakasubok.

And when the car finally stopped, naging alerto kaagad ako. Nagsibaba na sila. May humawak sa braso ko at marahan akong hinila palabas. For a kidnapper, they're kinda gentle. Pero kahit gano'n, kinakabahan pa rin ako.

“Mabuti naman at dumating na kayo!” Nahihimigan ko ang inis sa boses ng nagsalita.

“Traffic nga kasi! 'Tapos itong si Naji, pinahirapan pa kami.”

Napasinghap ako. Kilala nila ako?!

“Sige na, sige na! Tanggalin n'yo na 'yang tali niya. Pero 'wag ang blindfold!”

Inatake ng saya ang puso ko nang marinig ang sinabi niya. Papakawalan na nila ako! Pero bakit ayaw ipatanggal ang blindfold?

Oh my gosh! Baka sindikato sila 'tapos nire-recruit nila ako! Gusto nila na humawak ako ng mga organs or something pero nakatakip ang mga mata para hindi ako mabigla. Damn!

Ginalaw ko kaagad ang mga kamay ko nang nakalas na ang tali. I was about to remove the blindfold pero pinigilan nila ang kamay ko.

“No. Don't. Tatanggalin mo lang 'yan kapag sinabi namin.”

“Bakit naman hindi pwedeng ngayon na?” Pakiramdam ko ay tuluyan na akong nabulag!

“Basta!” aniya at bahagya akong tinulak para lumakad. “Now, lakad na! Diretso ka lang lumakad, ha. 'Tapos kapag may lamesa na, huminto ka at alisin mo na ang blindfold!”

Kahit nagtataka ay tumango pa rin ako. “O-Okay...”

“Now... Lakad na!”

Bumuga ako ng hangin. Kagat-kagat ang ibabang labi, nagsimula na akong humakbang. Kagaya ng sinabi niya, diretso lang ang lakad ko. Parang akong lasing dahil medyo umiikot ang madilim kong paningin pero kahit gano'n ay nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad.

Ano ba 'tong gusto nila? Kanina pa nangangati ang mga kamay ko na tanggalin ang blindfold. Pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil baka ano pa ang mangyari sa akin.

“Aray ko! Putangina!” Malakas akong napamura nang bumangga ang ano ko sa isang kanto ng kung ano. Napangiwi ako at namilipit sa sakit. “Putangina talaga!”

Sa sobrang galit ko ay tinanggal ko na ang blindfold. Sisigaw na sana ako nang mapansin ko ang paligid at natahimik na lang ako. Unti-unting humupa ang galit ko at napalitan ng pagkamangha.

Nasa loob ako ng parang greenhouse pero puro pink na bulaklak ang nagsisilbing pader at bubong, at carabao grass ang inaapakan ko. Ang tanging nandito ay itong sqaure na table kung saan ako nabunggo. At sa ibabaw no'n ay may kandila na hindi nasisindihan. May dalawang magkatapat na upuan sa table, at may mga plato at kubyertos na.

Napaawang ang mga labi ko. Hindi pala sindikato ang mga 'yon. Ngayon ko lang na-realize kung sino ang mga 'yon.

May narinig akong tumikhim sa likuran ko kaya kaagad akong napalingon.

When I saw who it was, I felt like my breath was taken away from me.

He was staring at me with a smile on his face. I was speechless, and I remained staring at him in awe. Nakaputing formal suit siya at may hawak na bouquet na hindi mga bulaklak ang laman–mga libro!

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon