“Ayy... Oo nga pala.” Napakamot tuloy siya sa ulo niya. Hohoho. “Ano nga bang problema mo...”

Tss... Ayoko nang pag-usapan yun. Nakakawalang gana sa buhay... “Wala...”

“Hindi nga?”

“Wala...”

“Weh?”

“Kulit!”

“Hehehe Sensha! ^_^V”

“Drake... Magma-mall muna ako or uuwi muna ako sa probinsya naming or magliliwaliw lang naman diyan sa tabi-tabi... basta.... magpapakalayo muna ako. I want peace of mind.”

“Gano ka katagal mawawala?”

“Di ko alam. Basta. Alagaan mo na lang yung best friend ko ah!”

“Naman. Mag-ingat ka ah?”

“Sure.”

Afternon, umalis na ako. Umuwi ng bahay. Naligo. Nagbihin. Nag-ayos ng sarili. Kumain. Nag-empake.

Kailangan ba talagang detailed?

Ready na ako. Uwwi na alang ako sa probinsya. Baka doon maliwanagan yung utak ko. Baka... makalimutan ko na din siyang tuluyan.

Manila. Etong lugar na ‘to yung nagpapaalala sa akin nung katangan ko sa buhay. Lahat ng mga pagkakamali ko sa buhay, etong lugar na ‘to ang nakasaksi ng lahat ng yun. Memorable ang Manila. Kaso sakit at kirot lang ang maaalala ko kapag nasa Manila ako.

Sa Probinsya? Nagbabaka-sakali akong magkakabagong buhay ako. Pero, ano ba naman ‘tong sinasabi ko? Bakasyon lang ang habol ko sa probinsya. Kahit anong gawin ko, hindi ko pwedeng layuan ang Manila. Dito ako nag-aarala. Nandito ang pamilya ko. Wala akong kawala sa Manila. Walang-wala.

K.

Bahala na.

“Sorsogon! Albay!”

Teka lang. Magdadrama ako sa bus, para tulog ako sa biyahe. Hohoho. :))))) Sana may window seat. *crossed fingers* Don pinakamasarap magdrama eh.

“Excuse me, Miss”

“OUCH!” Ang shunga nung mama. Joke. Teenager lang pala siya. Pero, bastos eh! Namamanga. -_- Hmm... di ko Makita yung mukha niya dahil sa sombrero niya pero... familiar yung boses niya eh...

“Sorry, Miss.” Bigla niyang inabot yung kamay niya. Ahhh. Gentleman naman pala. Inabot ko din naman yung kamay niya. Medyo hirap nga lang akong tumayo kaya ang nangyari, hinila niya pa ako. Kaso... napalakas yata.

“Araaaaaaaaaaay!” Kainis. Nauntog tuloy ako sa sumbrero niya. ANG SAKIIIIIIIIIIT!! Sa sobrang laki ng ulo ko, este, lakas ng impact pala, nalagalag yung sumbrebo niya.

“Sorry.” Sabay pulot sa sumbrerbo niya.

TEKA.

:O

LUCAS?!?!

“LUCAS?!?!” Napatitig siya sa akin. Sabay kinaladkad niya ako sa likod ng isang stall don sa may bus station.

“Shhhh...” tinakpan niya yung bibig ko. “Manahimik ka lang...” Shettt. Eto na ba yun? Magmo-momment na ba kami dito? Lels. Joke lang. Tuloy...

“B-Bakit ka a-andito? S-San ka ba nagpunta?”

“Basta. Wag mo nang alamin. Aalis na ako.” Tumalikod siya. Pero hinarap ko siya sa akin sabay sampal.

*PAK*

“ARAY! B-Bakit?!?!”

“San ka ba nagpunta?! Bakit ka ba nawala! Hindi mo baa lam na na-aksidente si Jerika?!”

“Alam ko yun...”

“Eh bakit nawala ka?!”

“ANO BANG PAKIELAM MO HA?!?!” Shettt. Pinagtaasan niya ako ng boses. Scaryyyy. </3

“KASI ANG TANGA MO!! ALAM MO NA NGANG NA-AKSIDENTE SIYA, NAWALA KA PA!! ANO BA?!?”

“Wala kang alam kaya wag KANG MAKI-E-LAM.”

*plok plok*

URGH!! UMUULAN PAAAA!! >:|

“Mauna na ako.” Sinuot niya na yung sumbrebro niya tapos tumakbo sa ulan. Pero magpapatalo ba ako? Hinabol ko siya.

“Lucas!”

“Sandali lang!!”

“Lucas!!”

“LUCAAAAAAAAAAAS!!”

“ANO?!?!” Buti naman, tumigil siya. Pero, nasa gitna kami ng malakas na ulan.

“Bakit ka ba nakikielam ha, babae ka? Aalis na yung bus oh? Kaya pwede ba, LU-BA-YAN-MO-NA-A-KO.”

“Ayoko.”

“Anong ayoko?”

“Kasi...”

“KASI ANO?!?! DALIAN MO NGANG MAGSALITA!!”

“KASI MAHAL KITA!!”

“Kaya ako nagkakaganito kasi mahal kita. Alam mo ba, ilang gabi din akong di mapakali kakaisip kung san ka ba napadpad. Alalang-alala ako sa’yo, Lucas. Halos... *gulp* Halos mabali na ako’t lahat sa kakaisip sa’yo...”

“Lucas... Mahal na mahal kita...”

Pagkatapos king bangitin yung mga salitang yun, lumapit siya sa akin at... hinalikan niya ako sa labi. Matagal. SOBRANG tagal.

Pagkabitaw niya, parehas kaming naghahabol ng hininga.

“Tara na.”

Magulat man kayo o hindi pero... yun yung first kiss ko. At sa kaniya pa galing, yung taong mahal ko. :”>

Sumakay na kami sa bus papuntang Sorsogon. Though, basang-basa na kami, sumakay pa rin kami. Bakit ba? Ano bang paki nila? =))) Ngayon lang sumagi sa isip ko na... taga-Sorsogon din pala si Lucas. Kapwa Bicolano ko din pala siya. Hahaha. Jerk. Third derivative. K dot. =)))))

Ayun. Nagpahinga na lang kaming dalawa. Ayoko munang mag-isip ng mga bagay-bagay. Binabawi ko nap o yung mga sinabi ko kanina. Mahal ko po ang Manila. Pero mas mamahalin ko po ang probinsya kasi nga... kasama ko siya. :”> Kaypo. Nakapatong yung ulo ko sa balikat niya, yung ulo niya naman nakapatong sa ulo ko. How sweet?

Buong biyahe ganun kami. Medyo malamig nga lang kasi nga basing-basa kami dba?

Haaaay... Ano kayang susunod na mangyayari sa amin? Mamahalin niya kaya ako ng totoong-totoo at buong-buo tulad ng pagmamahal na binigay at ibibigay ko sa kanya? :/

Forever Took So SlowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon