THIRTY-ONE

1.7K 56 41
                                    

ANDREA

"What do you think?"

"Hmmmm..." Tumango ako kay Lara sabay nguya ng niluto niya. Ilang araw na ba kaming magkasama. Sinasadya niya kasi ako sa bahay at kinukulit na sumama sa bahay niya para raw tikman ang niluto niya. Aba! Pabor din naman sa akin yon, no!

"No! I'll do it," aniyang inagaw ang pinggan na hawak ko. Ako na nga itong pinakain. Siya pa yong nagligpit! 'Oh, 'di ba? Ang ganda ng alalay ko!'

Sa ilang araw na pagsama-sama ko rito ay may nagpagtanto ako. Para siyang si Zooey. Kaygandang babae pero walang kyeme. Ang kaibahan nga lang, siya may class, samantalang yong isa ay may pagkabalasubas!

"Come with me. I'll show you something," aniyang kinaladkad na naman ako. Pumasok kami sa silid niya. Umupo agad ako sa kama. Siya naman ay naghubad ng pajama. Sa harapan ko pa talaga! "So how is it, Andie?"

"Ha?" Sinulyapan ko siya. Natuon ang mga mata ko sa pang-upo niyang walang saplot. "Anong---? Yan na ba yong ipapakita mo sakin?" tigagal kong tanong.

Nakangiti siyang tumango at nagpose pa na parang modelo ng alak! Literal na nanlaki ang mata ko.

"Just kidding!" Bumungisngis siya ng tawa at tinuro ang mukha ko. Yong suot ni Lara! T-back!

Alam ko walang perpektong tao sa mundo pero itong si Lara, napakaputi ng singit! Sa katawan, sa mukha, at kahit sa pag-uugali ay wala kang mapipintas.

Kumuha siya ng short at sinuot. Hindi ko alam kung sinadya o imahinasyon ko lang ba na dahan-dahan niyang sinuot ang napakaikling shorts na sinabayan pa ng paghagod sa hita.

'Diyos ko naman! Ano ba ang trip ng babaeng 'to?'

Lumingon siya at marahang naglakad papalapit. Seryoso ang mukha at titig na titig sakin. Nakaramdam ako ng pagkailang. Nang makalapit sakin ay saka ngumiti at inilahad ang kamay. "Tara."

Sa sulok ng silid niya ay may maliit na pinto. Pumasok siya ron. Nag-aalangan akong pumasok. Pakiramdam ko kasi may tinatago siya sa loob at ipapakita niya sakin. Baka may mga kaibigan siyang hindi ko nakikita o kaya naman ay may alaga na tinatago sa loob. Duwende kaya? Alien? Sigbin? O baka kalahating tao at kalahating ahas!

"Come in, Andie. There's nothing to be scared of," aniya sa loob na inilabas ang kamay para abutin ako. Alangan akong pumasok. "These are my precious collection."

Malawak pala ang loob pagpasok ko. Bumungad sakin ang napakaraming baril. Iba't ibang uri, laki at hitsura. Mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki. Sa isang bahagi naman ay nandon ang mga patalim. Iba't ibang sukat at laki. "Wow! Parang sa naruto lang, ah," saad kong tinitigan ang patalim. Kunai yata ang tawag don.

"Ang totoo niyan, isa akong........"

Mataman akong tumingin kay Lara. Kinabahan bigla. Ayan na! Pakiramdam ko magpapasabog na siya ng sekreto niya. "A-Ano Lara?"

"Isa akong......" pabitin niyang saad. Pinalapit niya ako.

"Ano ka?" Ako namang si uto-uto lumapit din. Pakiramdam ko ay sasabihin na niya ang sekreto niyang may alaga siyang duwende na siyang nagpapaganda sa kanya.

"......ninja!"

Hindi ako nabigla sa sinabi niya kundi sa ginawa niya. Hinalikan niya ako sa pisngi. Kinunutan ko siya ng noo. Todo lakas naman ng tawa niya.

"Bakit ka may mga ganito?"

"Relax," aniya. Naramdaman siguro niya ang pag-aalinlangan ko. "Actually, I stole it."

"Ha?!" gulat kong bulalas. Hindi kaya't klepto tong babaeng to? Napaigtad ako nang makita ang espada sa gitna na nakapatong sa sungay ng toro.

"It's not what you think, Andie," aniyang inakay ako palabas.

Kill me, BabyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang