SEVENTEEN

948 49 7
                                    

LARK JAMES

"Tay, sasabay na po ako sa inyo."

"Ang aga pa, Andrea. Samahan mo muna si James dito sa bahay."

Hindi man lang nakinig si Andrea sa Tatay niya. Nagpatiuna pang lumabas ng bahay at naupo sa tricycle nila. Hindi man lang nagpaalam sakin. Kahit na 'hoy lalaki, aalis na 'ko! Ang bahay, ikandado mong mabuti bago ka maglakwatsa, baka nakawin!' Parang naririnig ko pa ang boses niya dati kapag paalis na siya patungong paaralan.

"James Lark, maiwan ka na namin."

"Sige po, Nay."

"Bye Kuya James," paalam ni Andres.

Inihatid ko sila ng tingin paalis. Kumakaway pa sakin si Andres. Yong ate niya walang pakialam na naman. Ni hindi man lang lumingon sakin. Pucha! Ilang araw na ba akong hindi pinapansin ng babaeng 'yon! Akala mo pipi ang kasama ko sa loob ng kwarto. Mas gusto ko pa iyong nagdadada siya kaysa walang kibo dahil hindi ko alam kung paano siya pakikisamahan kapag nananahimik.

Loko kasing Donald duck yon! Halos gabi gabi ko ng nakikita sa labas ng bahay kaya ako na ang nagset para makapag-usap sila. Demanding pa! Gusto agad agad! Hindi ko alam kung anong klaseng pang-uuto ang ginawa non, kung bakit pinapalayas na ako ni Andrea nong gabing nakapag-usap sila. At hindi na ako pinapansin. Nahahalata kong iniiwasan niya rin ako. Kahit nga ang tignan ako ay hindi niya magawa. Pucha naman! Nagsasawa na ba siya sa gwapo kong pagmumukha. Kahit saan hindi siya makakakita ng ganitong mukha. Rare to!

Naiinis ako! Wala naman akong pupuntahan kapag nagkataon. Hindi ako tatanggapin samin kapag umuwi ako nang hindi kasama si Andrea. Hindi rin ako pwede sa hasyenda, baka sabihin din nilang abusado ako. Yong mga magagaan na nga lang na trabaho ang pinapagawa nila sakin. Hindi ko pa magawa ng maayos.

"James, haaaaaaay! Good morning sunshine!"

"Good morning, Mila."

Mabuti pa 'tong kapitbahay nila kahit out of this world minsan, hindi naman mahirap hulihin.

"Why you're so aga naman? Lalakad na you papuntang hasyenda? Pwede me sama?" Nakasampa na naman siya sa bakod na lagi niyang ginagawa. Tuwing umaga ko na laging nakikita yan.

"Hindi ako papasok ngayon. May pupuntahan ako."

"Where you punta? Sama me."

"Next time nalang Mila."

"Talaga James?" Agad nagliwanag ang mukha niya. "Anong oras?"

"Ha?"

"Hindi. Sige sige. Magbibihis muna ako. Hihintayin kita kahit anong susunod na oras pa yan." Nagkukumahog siyang pumasok sa loob ng bahay nila. Narinig ko pa ang malakas na tili niya. Kung anong daling kausap ni Mila siya namang kayhirap espilingan ni Andrea.

Napailing nalang akong pumasok sa bahay. Agad dumiretso sa banyo para maligo. Laging puno ang drum sa banyo dahil gabi gabi na akong nag-iigib. Kaya nga lagi ko ring nakikita si Donald sa labas. Magandang exercise din sa katawan ang pagtaas baba nong poso. Sabayan pa ng pagbuhat ng dalawang balde. Pakiramdam ko ay lumalaki na ang muscles ko sa katawan.

Kakatapos ko lang kumain nang mabungaran si Mila sa sala ng bahay. Bihis na bihis at ang kapal ng make up sa mukha. Pwede tong sampahan ng kasong trespassing.

"I'm ready na James. Susunod na oras pa ba? Hihintayin kita," aniya pa.

"Next time na nga Mila."

"Oo nga. Ikaw naman. Don't worry, be happy. Maghihintay ako."

"Next time na nga," pagpapaintindi ko. Hindi ko alam kung inosente ba, nagtatanga-tangahan o sadyang tanga lang talaga.

Kill me, BabyWhere stories live. Discover now