FIFTEEN

835 40 1
                                    

ANDREA

"Good morning James. Bakit sobrang pogi mo ngayon? May lakad ka?"

"Yeah. I'm going to work."

"W-Work? Saan?"

"Villamor's hacienda."

"Saang hasyenda yan? Sa kabilang bayan ba?"

Naririnig kong pakikipag-uusap ng kapitbahay namin kay Lark. Nag-iisa lang naman ang hasyenda Villamor dito samin. Bobita talaga ng babaeng 'to. Doon pa nga nagtatrabaho ang mga magulang niya. Nalito siguro sa Villamor's Hacienda. Gayong binaliktad lang naman yon. Lumabas na ako ng bahay.

"Sa hasyenda Villamor nga. I'm working in my sister's farm."

"Wow!" Namamanghang bulalas ni Mila. Hangang hanga sa lalaki. Nakatuntong sa bangketo. Nakasampa sa bakod na nakapagitan sa solar namin. Nakapantulog pa. "Anong farm? Saan 'yon?" 

'Toink!'

"Ang farm ay tirahan naming mga normal na tao. Isang lugar kung saan bawal ang mga walang utak" sabat ko. Pwede ako ron. Hehe! Kahit hindi matalino, may utak naman ako kahit papaano. Tatawa-tawa naman si Lark sa sinabi ko. Oo na! Sinasanay ko na ang sariling tawagin siya sa pangalan niya. "Tay! Nay! Aalis na ho kami!" Pahabol kong sigaw pagkalabas ng bakod. Nakabuntot naman samin ang Lark na tumatahol. Hinaplos ko ang ulo ng aso. "Hi payat. Kaya pala hindi kita laging nakikita. Sumasama ka pala kay Lark," ani ko.

"Sinong tinatawag mong payat?"

Tinuro ko ang asong kumakawag pa ang bantot samin. Haha. Ang sama ng tingin niya sakin. "Ayos ka rin. Pinagpalit mo lang," dugtong niya.

"Tinawag ka na nga sa pangalan mo, nagagalit ka pa!"

"Pero bakit kailangan mo pang tawaging payat yong aso?!"

"Natural! Malilito yong aso namin kung pareho na kayo ng pangalan," natatawa kong tugon na ikinapanlalaki ng ilong niya. Haha!

"Handsome ang pangalan niya. Handsome!"

"Payaaaaatttt," tawag ko sa aso. Tumahol naman ang hayop na tumalon-talon pa. "Kita mo na? Tuwang tuwa siya. Haha."

Tumahimik na siya dahil hindi talaga siya mananalo sakin. Sabado ngayon. At walang pasok. Naglaro kami ng scissor, paper, stick ang stone. Haha! Ikatlong araw na ng pagtatrabaho ni Lark. Sasama ako sa hasyenda nila Zj para makipagkamustahan sa mga tauhan doon at mamamasyal na rin.

"Ang ganda nga naman ng bihis mo," pagbubukas ko ng usapan. Binabagtas na namin ang daan patungo sa hasyenda. Malayo-layong lalakarin pa.

"Anong bang problema sa suot ko?"

"Wala naman," saad ko. Pinagmasdan ang postura niya. Isang puting T-shirt, itim na jeans, sapatos. Suot pa ang mamahaling relo sa kaliwang bisig. Umaalingasaw ang mamahaling pabango. Ang lolo mo mukhang magsisimba. "Nahiya ka pang magpolo," natatawa kong dagdag. Pormal lagi ang sinusuot. Akala mo kung anong trabaho meron siya. Kunsabagay mamahalin naman lahat ng gamit niya. Kahit simpleng t-shirt o shorts na pambahay, branded pa.

"Magtatrabaho ako. Hindi magsisimba," aniya.

"Kaya nga. Ang gara mo namang magsasaka."

"Hindi ako magsasaka," mariing tanggi niya.

"Bakit saan kaba nagtatrabaho?"

"In the farm."

"O, eh anong tawag mo sa mga taong nagtatrabaho sa farm?"

"Farmer."

"At ang tagalog ng farmer?"

Kill me, BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon