THIRTY-THREE

1.8K 65 125
                                    

ANDREA

"Something personal!"

Rumaragasang pumasok si Lara sa pinto. Diretso sakin. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Hanggang sa nakalapit siya't naipit ako sa dingding. Kahit anong tulak ko ay hindi natitinag si Lara.

"Something personal!" sigaw niya. Hawak niya ang patalim na tinatarak niya sakin. Nanlaki ang mata ko. Wala akong maramdamang sakit. Nahihintakutan ako dahil patuloy ko paring nararamdaman ang pananaksak niya sa hita ko. Nanlilisik pa ang mga mata niya.

Nahihirapan akong huminga sa takot!Hindi ako makagalaw! Pinilit kong abutin ang hita kong patuloy parin sinaksak ni Lara.

Hanggang sa hinawakan ko yong kutsilyo. Hindi matalim! Malaki! Bukol!

"Ahhhh....." ungol ni Lara na inipit ako at itinarak pa ang kutsilyo sa palad ko.

Hinigpitan ko ang hawak sa kutsilyo.

"Hmmmmm....... An...drea..." ungol niyang muli. Pero ang mas ikinatatakot ko ay ang timbre ng boses ni Lara. Lalaking lalaki!

Napadilat ako at nangunot ang noong tumitig sa kisame. Ang bigat ng pakiramdam ko dahil sa kamay at hitang nakadagan sa katawan ko. Bahagya akong nagulat. Si Lark! Natutulog sa tabi ko! Kalahati ng bigat niya'y nakadagan sakin!

Mukha ba akong kutson? Aba'y lintek! Hindi ako makahinga! Gumalaw ako ng bahagya. Mariing napapikit si Lark. Iginalaw ko ang buong katawan ko para bitawan niya ako.

"Ahhh.....hmmmm....." ungot ni Lark sabay hila sakin. Kulang nalang ay daganan niya ako.

Hindi ko rin mahila ang kaliwang kamay ko dahil naipit at nakahawak sa---! Nanlalaki ang mga mata ko!

'Anong kutsilyo? Punyeta dolor!'

Parang napaso yong kamay ko na inalis sa kutsilyo! Paglingon ko kay Lark! Dilat na yong mga mata niya't nangungunot ang noo sakin na para bang isa akong bagay na hindi niya maintindihan.

Ang init ng pakiramdam ko! Tinulak ko siya. Wala siyang pang itaas at alam kong---ay hindi, ramdam kong wala din siyang shorts.

"Hmmmm!" paungol niyang reklamo, atubiling binitawan ako saka padapang natulog ulit.

Mabilis akong tumayo saka nagtungo sa banyo!

'Diyos ko! Ano ba yong nagawa ko!' Naghilamos ako ng mukha. Itinaas ko yong palad ko sa harap ng salamin. "Ikaw na kamay ka! Makasalanan ka!"

Ilang minuto rin akong nagkulong sa loob ng banyo. Parang ayoko ng lumabas! "Ay hindi! Tulog siya, eh! Oo! Tulog!" pagpapalakas ko ng loob at parang walang nangyaring lumabas. Bumungad sakin si Lark na nakasandal sa headboard ng kama. May nakapatong na unan sa mga hita niya.

"Good morning," namamaos na aniya.

"G-Good m-morning," ganting bati ko.

Pinagdiskitahan kong ligpitin ang mga damit ni Lark sa sahig. Ito talagang lalaking to, napakaburara rin! Lahi talaga nila yon! Hindi man lang marunong magligpit ng pinaghubaran.

"Maagang natapos yong inasikaso niyo?" tanong ko. May business deal silang pinuntahan ni Lorenz sa Hongkong nong isang araw. Sobrang pagkabagot ang nararamdaman ko sa loob ng mga araw na yan. Kapag gabi naman ay mag-uumaga na kung makatulog ako kaya hindi ko napansin ang pagdating ni Lark.

Ramdam ko ang paninigas ng nipple ko dahil sa lamig na nagmumula sa aircon habang inaayos sa lalagyan ang mga sapatos niya. 'Pag ako talaga natisod nito, ewan ko nalang!'

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Feb 21, 2021 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Kill me, BabyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant