EIGHT

2K 99 8
                                    

LARK JAMES

"Aba! Hindi pwede yang ganyan sakin. Kahit anak kita, hindi kita kokonsentihin. Ikaw ang babae kaya matuto kang gumawa ng gawaing bahay, lalong lalo na ang magluto. Lalo na't may asawa ka na........"

"Blahh...blahh...blahh...blahh...." Panggagaya ni Desperada sa Nanay niyang nagdidiwara habang nagluluto sa kusina. Pinapagalitan siya kasi maaga ba namang ginising si Andres para magluto dahil nagugutom daw siya.

Maaga rin akong nagising dahil sa lakas ng boses ng Nanay niya. Hindi na nakapagtataka kung saan niya minana ang pagiging maingay. Antok na antok pa ako. Kahit takpan ko ng unan ang tainga ko ay tumatagos parin ang boses ng Nanay niya.

"Ilang taon ka na, biente dos pero magpahanggang ngayon lahat ng tinuro ko balewala sayo. Diyos ko! Paano nalang kapag layasan ka ni James dahil sa ugali mong yan. Nakooo! 'Wag kang ngangawa-ngawa sakin kapag nangyari yan!"

Napatingin ako sa kusina saka kay Desperada. Lumitaw sa balintataw ko ang isang eksena.

'May dala akong bagahe habang malalaki ang yabag pababa ng hagdan, samantalang malakas ang iyak ni Desperada. Ang panget panget ng mukha niyang ngumangawa at ang taba-taba pa. Nagmamakaawa siyang h'wag akong umalis. Tapos, hindi ko siya pinansin at dire-diretso palabas. Nagpupumilit parin siya na sinusundan ako pero dahil sa sobrang taba na niya nahihirapan na siyang bumaba ng hagdan.' "Hehehehe."

"Abnormal."

Nakangiwi si Lusyana sakin. Napakurap ako. Takte! Nandito pa pala ako sa bahay nila. Akala ko nasa sarili na naming bahay sa imahinasyon ko.

"Andrea!"

"Po!"

"Akala ko ba nagugutom ka na? Ayusin mo yong mesa para makakain na kayo! Bilisan mo at may pasok pa ako!"

Nagdadabog ang yabag ni Desperada patungo'ng kusina. Napapikit ako sa sobrang lakas ng boses ng Nanay niya. Galit na yata. Natahimik sila sa kusina, kinabahan ako. Naiisip kong sa sobrang galit ng Nanay ay binugbog na siya. Kaya, tumayo ako't sinilip sila sa kusina.

"Magpaprenatal ka na. Gusto mo bang samahan kita?"

"Wala ho ba kayong pasok?"

"Andrea, hindi naman buong linggo ang klase. Sa sabado, pupunta tayong center, magpatingin ka."

"Mamaya nalang Nay, kaya ko namang mag-isa."

Napatanga ako, maayos na silang nag-uusap. Ang weird naman nila. Kanina lang nagsisigawan na akala mo magpapatayan tapos ngayon parang walang nangyari. "Ganyan nga," turan ni Nanay sa ginagawa niya. Ipinagsandok niya ako ng kanin at halos punuin na ang plato ko. "Tikman mo nga iho kung pasado ba sa panlasa mo. Niluto ko yan para sayo. Paborito mo raw yang adobo sabi ni Andrea."

Kill me, BabyМесто, где живут истории. Откройте их для себя