FOUR

2.1K 106 7
                                    

YOSEYNA ANDREA

"Ang ganda ko talaga." Kahit saang anggulo tingnan, maganda ako! "Hehe." Inilugay ko ang lampas balikat kong buhok at nilagyan lang ng clip ang bangs.

"Matagal ka pa ba?"

Panira talaga ng moment 'tong h*yop na 'to. Hindi ko siya pinansin at naglagay ng lip gloss. Ngumuso ako sa salamin nang masulyapan ko ang repleksiyon niya sa salamin na nakatulala. "Ano?!"

"Tsk!" Nakangiwi siyang tumalikod at naglakad pababa. "Hurry! Aabutan tayo ng mainit na sikat ng araw." Umikot ako sa harap ng salamin bago bumaba.

"Mag-iingat kayo." Inihatid kami ng Lola Mary niya palabas. "Pablo, ikaw nang bahala sa mga apo ko, ha? Nandiyaan na ba lahat ng kailangan niyo? Tubig? Yong bulaklak?"

"Lola, we're going."

Napataas ang kilay ko. Aba! Bago. Ang payat nagsusupaldo. Isang toyota hilux ang sinakyan namin paakyat ng bundok. Dadalawin kasi namin ang puntod ng mommy niya. Ayoko ngang sumama pero wala akong magawa dahil magagalit yong matanda. Nadaanan pa namin ang bahay ng mga magulang niya at doon nananghalian.

"Hayyy...." Tinakpan ko ang bibig at naghikab, nakakaantok. Yong si Mang Pablo, seryoso sa pagmamaneho. Si payat naman, ang tahimik rin masyado, nakakapanibago. Ano kayang nakain nito at nananahimik. O baka naman, natatae at masakit ang tiyan. "Hehehe."

"Bakit?"

Inirapan ko siya para asarin pero dineadma ako. Aba, himala! Tiningnan ko siya at hinintay na ibaling sakin ang kanyang paningin. May stiffneck yata 'to. "Usog nga doon, ang sikip-sikip, eh!" Tatlo kasi kami sa loob ng sasakyan. Ang init at ang sikip pa. "Malayo pa po ba tayo?"

"Ah, medyo malayo-layo pa, ma'am. Kung gusto niyo ho, eh, matulog muna kayo at gigisingin nalang pagdating," magalang na sagot nitong si Pablo. Itinapat ko sakin ang buga ng aircon ng sasakyan. Hinintay kong may umangal pero wala kaya natulog ako.

LARK JAMES

*Kooooorrrk---poow....korrrrrk---poww*

Nakakaturn-off! Ang lakas talagang maghilik ng babaeng 'to. Hanep! Nagagawa niyang mahimbing ang tulog ng nakaupo lang. Baku-bako ang daan nang nasa gitna na kami ng kagubatan. Lumundag-lundag na kami sa upuan.

"Hmmm..."

Nakasiksik pa siya sakin at nakayakap ang kamay sa baywang ko. Tinanggal ko na kanina pero yumakap parin kaya hinayaan ko nalang. "Tsk!"

"Mura ug muuwan, ngitngit man." {Mukhang uulan, madilim kasi.}

Akala ko malilim lang dahil sa mga puno, may namumuo palang ulan. "Bilisan niyo nalang ho ang pagmamaneho Mang Pablo para makauwi tayo ng maaga." Ilang minuto pa ang itinagal bago namin natanaw ang isang maliit na kubo, na nagsisilbing pahingahan kapag may nagpupunta sa puntod.

Nagising si Andrea nang huminto na kami. "Nandito na ba tayo?"

"Hindi pa."

"Eh? Bakit tayo huminto?"

"Hindi na kasi makapasok 'tong sasakyan, ma'am, dahil sa makipot ang daan kaya lalakarin nalang ho natin. Malapit lang naman ho."

Lumabas ako ng sasakyan at tinulungan si mang Pablo sa mga dalahin namin. "Bumaba kana diyan."

"Ayoko. Dito nalang ako. Ang layo-layo niyan, eh."

"Bahala ka. Tara na mang Pablo."

Kill me, BabyWhere stories live. Discover now