TWENTY-SEVEN

1.6K 80 56
                                    

ANDREA

"Good morning!"

Gulat na gulat ang mukha ni Lark dahil sa bating iyon. Marahil ay kagigising lang niya at dumiretso na pababa para kumain. At malamang hindi niya alam na may Lion palang naghihintay sa hapag. "A-Ah...ma-magandang umaga ho, Lola," bati niya sa matanda.

Pinasadahan siya nito ng tingin. "Have a seat."

Mabilis umupo si Lark sa tabi ko. Naalimpungatan kasi ako kanina mula sa mga katok. Pagbukas ko ng pinto ay nagising agad ang katawang lupa ko pagkakita sa lola ni Lark. Mas lalo pang naging kasindak-sindak ang anyo nito dahil sa nangingitim na balat. 

"So how's your studies, Zooey," marahang saad ng matanda.

"Ayos lang," walang kagana-ganang sagot ni Zooey.

"Got any problem with your subjects? Or teachers?"

Nag-angat ng mukha si Zooey. "Wala akong problema sa kanila. Sila yong may problema sakin," aniya at biglang ngumisi. Mariing napapikit si Lorenz. Napabuntong-hininga iyong matanda.

"How about you, Lark?"

Napangiti ako. Wala ng bago ron. Kahit non sa san Lorenzo, kulang nalang ay isumpa si Zooey ng mga naging guro namin. Si tatay lang yata ang may mahabang pisi pagdating sa babaeng to. Naalala ko pa dating hinabol kami ng lumilipad na sapatos ng isa sa mga guro namin nang--- inis kong tiningnan si Lark. Panay siko kasi sakin. Napalingon ako sa harap.

"Are you okay? You're spacing out," anang matanda sakin. "You're smiling at your food," dagdag nito.

"H-Ho?"

"Kumusta ka rito?"

"A-Ayos naman ho. Hindi naman ako pinababayaan ni Tita Therese."

"May nakuha na ba kayong OB?"

Napakurap ako at nilingon si Lark. Kahit siya ay walang maisagot. Dinagdagan pa ng matanda ng karagdagang tanong. Tungkol sa pagbubuntis ko. Kung kailan ang huli kong check up, mga vitamins at kung anu-ano pa. Wala kaming masagot. Dahil sa totoo lang---wala!

Tumaas ang manipis na kilay ng matanda at binalingan si Lark. Halos lumuwa na yong mata sa sobrang panlalaki.

"K-Kasi lola......" Mahigpit na kumapit si Lark sa upuan. Handa ng tumakbo anumang oras. ".....nong nasa kanila----"

"You----!" Tumayong dinuro ng matanda si Lark. Pagkatapos ay muling umupo at hinilot ang sentido sabay iling. "Irresponsible! Kulang limang buwan ay magiging tatay ka na but look at yourself! My Goodness!"

Lahat kami napatingin kay Lark. Gulong gulo ang buhok. Napangiwi ako nang lumingon siya sakin. "May muta ka," pabulong kong sita. Mabilis naman niyang pinunasan ang mata at muling bumaling sakin.

"Okay na?"

Napailing ako. "May tuyong laway ka. Jo---" bulong ko. Mabilis niyang pinunasan ng napkin ang bibig. Napangiwi ako. Dudugtungan ko pa sana ng joke.

Humarap siya sakin. Pinigilan kong matawa. "Haist!"

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Kinuskos na niya ng table napkin ang gilid ng bibig. Pati leeg ay pinunasan niya.

"Lark James!"

Saka lamang siya tumigil. Galit na galit na yong lola niya. Paglingon naman niya sa kabila puro natatawa ang mukha. Galit siyang lumigon sakin.

"Ganyan ba ang gawi ng ulirang boss? Late ng gumising? Tsk! Tsk! Tsk! That won't do any good in the company. I'm done. Magpapahingan muna ako," anang matanda. Humagalpak ng tawa si Lorenz pagkaalis ng abuela.

Kill me, BabyWhere stories live. Discover now