THIRTY-TWO

807 56 28
                                    

ANDREA

"Aaaaaaaahhhhh!"

Mabilis pa sa kidlat na nakababa ako ng kama. Ganito talaga kapag may lahing tsismosa!

Paglabas ko'y nasa sala na si Zooey at mabilis na tumatakbo palabas. Aba! Mas tsismosa pa pala ang babaeng yon! Nakalabas agad!

Tanging ilaw sa labas ang nagbibigay liwanag sa buong sala. Natatakot tuloy akong bumaba!

"Oh my God!"

"Ano pong nangyari?"

Kapit na kapit sa hagdan si Tita Therese. Nilingon niya ako at halos mangiyak ngiyak na yumakap sakin. Ramdam ko yong panginginig ng buo niyang katawan. "A-Ano pong nangyari?" pag-uulit ko.

"Peste!"

Pareho kaming napaigting ni Tita Therese sa gulat! Lumiwanag din yong buong paligid. Nasa pinto si Zooey hawak yong switch. Kinabahan ako. Lalo na nang makita ang nabasag na pitsel at baso, at nagkalat na pizza sa tabi ng nakasalampak na si Lara.

Mas lalo pa akong kinabahan nang hinihingal na pumasok ang gwardiya sa loob. Ni hindi ko na marinig ang pinagsasabi nito dahil sa lakas ng pintig ng puso ko.

"Shit! Shit! Shit! Shit!" galit na bulalas ni Lara.

"Akala ko ba eksperensyado ka sa militar?!" Hinihingal na sikmat ni Zooey kay Lara.

"I was caught off guard, okay?!" ganting sikmat ni Lara. Makikita ang inis sa maamo niyang mukha. Nawala na ang pagiging anghel ng aura niya ngayong kunot yong noo. "D*mmit! Who was that?!"

"Ano bang nangyari?!" galit na sita ni Zooey sa manugang at kay Lara. Baliw din tong babaeng 'to. Nagagalit tapos ngayon nagtatanong kung anong nangyari.

"I... I went out of my room and I saw... I saw s-someone walking upstairs. I just.... I just thought it was one of you girls but.... but it turns out it was a man!" paputol putol na kwento ni Tita Therese, nanginginig iyong kamay.

Kinilabutan ako. Lalaki? Wala namang ibang lalaki sa bahay na to kundi si Zoorenz!

"Ikaw, anong drama mo?" baling ni Zooey kay Lara. Mukhang si Lara ang napagdidiskitahan ng babaeng 'to dahil lang sa sinabi ni Lorenz kanina na 'I'll leave my family in your hands.' Insulto na para sa kanya yon.

"He purposely bumped unto me. Both my hands were loaded with pizza, and a pitcher of water!"

"Psx!"

"And what about you? What were you thinking? Chasing the intruder out? You're definitely out of you mind!"

"Psx!"

"S-Sino naman kaya yon?" tanong ko para maputol ang pagsasagutan ng dalawa. Nagkatingininan kami ni Lara. Naiisip kaya niya ang nasa isip ko?

"Will you please put away your gun?!"

"Psx!" asik muli ni Zooey.

Natigil lang sila sa pagbabangayan nang malakas na umiyak si Zoorenz sa taas. Halos pigil ko ang hininga nang takbuhin na naman ni Zooey ang hagdan patungo sa silid ng manugang.

"M-Mama!"

Nagsipagsunod na rin kaming tatlo. Naabutan namin si Zooey na pinapatahan ang anak. Nakahinga ako ng maluwag.

"Have you forgotten that you're pregnant?" ani Lara, patungkol sa iniakto ni Zooey.

"Tumahimik ka. Wala kang alam," sagot ni Zooey. Sa dami ba naman ng gulo na pinagdadaanan niya. Hindi na ako magtatakang ganyan parin siya kaalerto.

Kill me, BabyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant