SIX

2.2K 101 6
                                    

YOSEYNAANDREA

Kurokuroookooook!

Kurokuroookooook!

Bumuka ang mga mata ko at agad tumayo. Nagstretching at lumabas sa kusina. Uuwi na ako ngayon sa amin. "Yesss!"

"Ang aga mo?"

"Excited po, eh. Hehehe." Pinapanuod ko lang si Lola Mary na nagluluto ng adobo. "Ang bango." Inihain na sa harapan ko ang napakasarap na adobo. Ipinagsandok pa ako ng kanin at ipinagtimpla ng gatas. Ang bait talaga ng matandang 'to. Wala man lang nagmana ng ugali niya.

"Andrea, si Lark nga pala?"

"Nasa kwarto ho."

"Tulog pa?"

"Hmm." Narinig kong bumuntong-hininga ang matanda kaya bumaling ako rito. "Bakit po?"

"Hindi ko alam kung tama ba'ng pasamahin namin ang batang yon sayo." Pumalakpak ang tainga ko sa narinig. Aba! Magandang balita sa akin yan. "Alam mo kasi, lumaki iyon sa siyudad. Hindi sanay ng gumagawa. Tsk! Tsk! Si Moni kasi, inispoiled noong bata pa."

"Ayos lang ho sakin kahit hindi siya kasama." Itinataas-taas ko pa ang dalawang kilay.

"Yan ang ang hindi tama. Magagalit naman si Moni kapag hiwalay kayo. Ayaw niya kayong matulad sa kanila ni Gustavo na madalang pa sa patak ng ulan kung magkita. Parang hindi mag-asawa, parang hindi na kilala ang isa't-isa."

Gustavo? Yong namatay na Lolo ni Zooey. Nakita ko na ang matandang yon minsan dumalaw sa hasyenda nila Zooey. Hindi ko naman alam na yon pala ang totoo niyang Lolo. Tsk! Buhay nga naman, parang life.

"Pihikan pa naman yon sa pagkain," dagdag ni Lola Mary. Pansin ko nga. Kaya siguro ganon ang katawan non, eh. Parang nagdidiet na babae kung lumamon. "Ikaw nang bahala sa apo ko doon. Nagtitiwala akong hindi mo siya pababayaan," nakangiting aniya na hinawakan ang kamay ko. "Minsan talaga pasaway at alaskador yon pero mabuting bata. Gabayan mo lang siya sa lugar ninyo. Ibinigay na ba sayo ni Moni ang pera panggastos ninyo doon?"

Tumango ako at biglang naexcite. Oo nga pala. Binigyan kami ng sustento nong dominanteng matanda. At ako ang pinaghahawak niya.

"Gisingin mo na si Lark doon."

"Sige po."

Pag-akyat ko sa silid ay tiningnan ko muna kung nasa bag ko pa ang pera. Aba! Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakahawak ng fifty thousand pesos. Ako ang magbubudget. Hehehe. 'Don't worry Lola Monz, ibubudget ko ng todong-todo! Titipirin ko ang apo niyo.'

"Hoy! Payat, gising na." Nilapitan ko siya at sinilip ang pagmumukha. Tulog na tulog. Tinapik ko ng malakas. "Hoy! Bumangon ka na diyan! Ang aga-aga mong natulog kagabi--hoy!"

"Hmmm...ano ba."

"Bumangon ka na!" Tinadyakan ko siya sa likod pero mahina lang naman. Baka jombagin ako nito kapag nilakasan ko. "Payat!"

Kill me, BabyWhere stories live. Discover now