TWENTY-THREE

906 54 11
                                    

ANDREA

"Mahilig ka pala sa halaman, Andrea?"

"Hindi naman po. May mga pananim din kasi si Tatay sa bakuran namin."

"I see."

Ngumiti ako sa biyenan ni Zooey. Umagang umaga nasisira ang mood ko dahil sa kasama kong hayop sa silid. Oo hayop talaga dahil sa mga pinaggagagawa niya. Wala na talaga siyang pakialam sa akin.

"Kumusta kayo ni Lark, iha?"

"A-Ayos naman ho."

Tumango ang biyenan ni Zooey. "Pinagsabihan ko na siya tungkol diyan sa paglabas labas niya at gabi na umuwi. Well sabi naman niya ay inuutusan mo siyang bumili ng mga pinaglihian mo," anitong ngumiti.

Itinuon ko ang paningin sa pagdidilig ng mga halaman. At ako pa talaga ang idinadahilan ng lalaking yon?! Ang kapal naman talaga ng mukha!

"Good morning!"

Nanlaki ang mata ni Tita Therese na lumingon sa bumati. "Oh my---! Lar.... Lara?!" Agad itong tumakbo at niyakap ang isang babaeng nakatayo sa hardin malapit samin.

Napatitig din ako sa nasabing babae. Nakapaganda nito. Napakaamo ng mukha. Namumula ang pisngi na nasisinagan ng araw. Napakakinis ng balat. Hindi nagpapahuli sa kagandahan ni Tricia o kahit kay Timmy itong babaeng nasa harap ko. Aaminin kong maamo at maganda ang mukha ni Timmy, yong ex ni Lorenz, pero mas maganda ang babaeng ito. Napakasimple. Walang kolorete ang mukha. Nakakatomboy tuloy ang kagandahan nito.

"I missed you, iha."

"I missed you, too, Tita," malamyos na sabi ng babae. Kahit ang boses nito'y maganda sa pandinig, napakasweet! Dumako ang paningin nito sakin at agad sumilay ang isang magandang ngiti.

"Oh, that's Andrea. Asawa ni Lark."

Sandaling dumaan ang pagkagulat sa magandang mukha ng babae na tumingin kay Tita Therese. Pero mabilis ding ngumiti nang bumaling sakin. Lumapit ito at walang pag-alinlangan inilahad ang kamay sakin. "Hi, I'm Lara." Kahit nakikita nitong marumi ang kamay ko ay kinuha nito saka humalik sa pisngi ko. "It's nice to meet you, Andrea," magiliw na anito. Ngayon ko lang napagtanto na maganda pala ang pangalan ko ngayong ito ang nagbigkas.

"Well, tara sa loob. Doon tayo magkwentuhan dahil masakit na sa balat ang sikat ng araw," ani Tita Therese. Inakay ang panauhing babae sa loob. Sumunod na rin ako pagkatapos ayusin ang hose sa lalagyan.

Sinaluhan kami ng panauhin sa agahan. Kahit toyo ang ulam ay walang kyeme itong kumain. Masayang nagkekwentuhan ang dalawa na parang mag-ina na matagal ng hindi nagkita. Kung ako si Zooey, malamang ay magseselos ako sa closeness ng dalawa.

Nalaman kong kauuwi lang nito galing amerika. Doon na ito naninirahan kasama ng pamilya. Ito rin pala ang nagmamay-ari ng magandang bahay sa tabi ng bahay nila Lorenz. Kababata pala ito ng magpinsan.

"Glad that you decided to spend your vacation here, iha," ani Tita Therese.

"Yeah. After all, Philippines is still my home. Dito na ako lumaki, tita," nakangiting sang-ayon ng babae. "And besides, marami akong alaala rito na hindi ko kailanman makakalimutan," dagdag nito. Natawa si tita Therese.

Nakikinig lang ako sa usapan nila. Aaminin kong naa-out of place ako sa kanila. Sana pala hindi nalang ako sumabay ng kain. Nagulat ako nang pag-angat ng tingin ay nakangiti na sakin si Lara. "How about you Andrea, taga san ka?" Diretso itong magtagalog pero may tono ang pananalita.

"A-Ah, taga san Lorenzo ako."

"P-Province?" Paniniguro nito. Hindi naman nang-iinsulto ang tono nito pero nakaramdam ako ng hiya na tumango. Ngumiti itong tumango-tango. "Hmmm? I see."

Kill me, BabyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz