TWENTY-EIGHT

1.1K 69 25
                                    

ANDREA

Para akong bata na nakakaramdam ng excitement maisip pa lang na sasakay ako sa kotse at lalabas ng bahay.

"Take care, Lark. 'Wag masyadong pagurin si Andrea. Wag papalipasan ng gutom. If she wants to eat or have something on your way, go and give it to her. Bring water. Of course, listen carefully to the doctor--"

"Mama," pigil ni Tita Therese sa ina. Kung makapagsalita kasi ang huli ay parang yong mga nagtitinda sa palengke. "They're not kids anymore. Sa katunayan ay nakagawa na nga ng bata," dagdag biro nito na tiningnan ang tiyan ko.

"Tita naman," reklamo ni Lark sa panunudyo ng tiyahin.

Ngumiti lang si Tita Therese. "Hayaan mo na muna sila, Mama. They can handle it," anito.

Tumaas ang kilay ng matanda saming dalawa ni Lark. "Okay fine! You still have an appointment afterwards. Here," anito sabay abot ng isang tarheta. Okay naman pala 'to. Nakakatakot lang naman dahil sa boses.

"Ano naman to?" reklamo muli ni Lark habang binabasa ang nakasulat. "Baby and Mommy center? Lola naman! Para saan na naman to? Is this really necessary?"

"Of course!" bwelta ng matanda, pinanlakihan ng mata si Lark. "Puntahan niyo yan pagkatapos. I have you registered. Pati ang kapatid at pinsan mo ay pupunta roon after lunch. Tatawag ako doon mamaya. Kapag nalaman kong...." pabiting banta nito at dinuro duro si Lark. "...hindi kayo pumunta? Makikita niyong magpinsan!"

"Ang bagsik ng isang Lola Moni," dugtong bulong ni Lark.

"Lark James, are you with me?!"

"Yes, Lola!"

"Am I a joke to you, Lark James!" banta ng matanda nang mapansing natatawa si Lark. "Amy! Maghanda ka ng dalawang malalaking sako," utos nito sa katulong habang na kay Lark parin ang tingin. "Makikita niyo talagang magpinsan," anitong dinuro muli ang apo.

Hindi makapaniwala yong mukha ni Lark dahil sa narinig. Hindi ko lang alam kung para saan yong sako. Baka maglalaro ang maglola ng sack race?

"Andrea, kapag may ginawang kabulastugan ang lalaking yan, magsabi ka lang sakin. Akong bahala diyan!" pahabol na banta ni Lola Moni. Hindi na kailangan Lola Monz! Kayang kaya ko ang apo niyo.

"Bakit kaming magpinsan ang lagot?" himutok ni Lark. Nasa likod na siya ng manibela nagmamaneho patungo sa appointment namin sa OB. "Sino bang apo niya sating dalawa?"

Inirapan ko siya bilang ganti. Galit ako sa kanya. Simula kaninang umaga ay hindi ko talaga siya inimik. Manigas siya diyan!

Napaigtad ako nang biglang bumusina yong sasakyan kaya napalingon ako sa gawing may hayop. Ayon! May nakita palang bitamina sa mata!

"Hey!"

"Hi Larky!"

Ang nagjo-jogging na si Lara. Ayan na naman yong puro pawis niyang postura pero puny*ta--napakaganda parin! Kaya itong hayop na katabi ko, nauulol na naman. Nag-uusap sila! Aba--hindi ko pinakinggan!

"Oh! Hi Andrea!" magiliw na bati sakin ni Lara mula sa nakabukas na bintana ni Lark. Kaya napilitan akong pagtuunan sila ng pansin. "You looked good today!" papuri nitong hinagod ako ng tingin.

"S-Salamat!" Hindi ko maiwasang ngumiti. Galit dapat ako rito pero hindi ko magawang magalit kapag magkaharap na kami. Bakit ba kasi ang ang bait-bait niya?! Nakakapuny*ta!

Kung makapuri kasi ang babaeng yon sakin parang nangingibabaw ako sa lahat gayong isang simpleng dilaw na maternity dress lang naman ang suot ko at flat sandals. Lipgloss nga lang ang nilagay kong kolorete dahil nasusuka ako sa amoy nong mga pampaganda.

Kill me, BabyWhere stories live. Discover now